Uncategorized

Imelda Marcos, bibigyan ng tribute ng CCP

Hala nang hala. Bigyan nang bigyan ng parangal ang kung sinu-sino. Pati nga ang Cultural Center of the Philippines ay babahaginan kundi man kumpletong pararangalan ang asawa ng diktador at nagpahirap sa bayan na si Imelda Romualdez Marcos. E, ano ngayon? E, di hatagan ng kung anuman—tropeyo, plake, sertipikasyon atbp.—si Imelda. Paki ko at may […]

Ang paglilibing sa National Artist Awards

MADAMDAMIN ang pagluluksa ng mga nagmamalasakit sa katapatan at kabusilakan ng National Artist Awards na kada tatlong taong iginagawad ng gobyerno para sa mga natatanging alagad ng sining sa iba’t ibang larangan. Ngayon ay tinatawag nang Order of National Artists ang timpalak na ito na siyang pinakamataas at pinakamatayog na gantimpalang makakamtan ng isang artista […]

Naghahalo ang balat sa tinalupan sa National Artist Awards nina Carlo J. Caparas at Cecille Guidote-Alvarez

KAILANMAN ay uso ang protesta sa showbiz at hindi lang ito pampalipas-oras at pampalimot ng problema. Laging may angking paalala ang showbiz sa ating lahat—na ito ay repleksyong buhay sa anumang larangan. Tulad ng pagkakagulo sa National Artist Awards na taun-taong ibinibigay ng pamahalaan sa mga karapat-dapat na alagad ng sining sa Pilipinas. Nang ilabas […]

Lou Veloso, Jr. at Ina Feleo, Best Actor and Best Actress sa Cinemalaya Cinco

aganapan para kay Lou Veloso, Jr. ang pagkapanalo niya ng Best Actor sa katatapos na ika-5 Cinemalaya Independent Film Festival na idinaos sa Cultural Center of the Philippines mula noong ika-17 hanggang ika-26 ng Hulyo, 2009. Maluha-luha si Lou sa karangalang nakamtan sa pagganap niya bilang isang kriminal na nagpaikut-ikot sa iba’t ibang bahagi ng […]

Naninindigan si Freddie Aguilar sa kanyang pahayag laban kina Charice Pempengco at Arnel Pineda ng Journey Band; Cinemalaya Cinco, pam-Filipino rin

Magkaiba man ang kinalalagyang prinsipyo, parehong para sa Pilipinas ang ipinaglalaban ni Freddie Aguilar at ng Cinemalaya Independent Film Festival. Ang pagsusog sa pagiging makabayan ang lumulutang na adhika ni Freddie at ng Cinemalaya. Kamakailan ay ipinahayag ni Aguilar na maraming dayuhan ang nagsasabi na “monkey” o unggoy ang karamihan sa mga mang-aawit na Filipino […]

Romansang John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez, tuloy

NANG makita at makausap namin si John Lloyd Cruz kamakailan sa shoot ng pinakabago niyang edisyon ng isang pizza pie, lantad na lantad sa kanyang mga mata ang kaligayahan nang ikumusta at itanong namin sa kanya si Ruffa Gutierrez. “She’s fine. She’s okay,” pahayag ni John Lloyd na nakangiti. Kasama namin sa mga pagkakataong ‘yon […]