Uncategorized

Kawani ng gobyerno, nais magkaboses sa Kongreso

Nagpahayag ang Courage ng intensiyong lumahok sa halalang party-list sa taong 2010. Nais nilang itaguyod ang isang legislative agenda ng mga kawani ng gobyerno. Pati na siyempre ang paglahok ng sektor na ito sa iba pang mahahalagang usapin sa bansa.

Rep. Joel Maglunsod ng Anakpawis

Haligi si Joel  “Jomag” Maglunsod ng kilusang paggawa sa Katimugan. Umaabot na ng halos apat na dekada ang kanyang paglilingkod sa mga manggagawa at anakpawis. Bagama’t isang taon na lamang at halalan nang muli, sabi niya’y ilalaan niya ang maiksing panahon na ito sa pagsusulong ng mga reporma at panukalang batas na magtitiyak sa kagalingan […]

Rep. Raymond Palatino ng Kabataan

Magmula nang magwagi bilang Tagapangulo ng University Student Council sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 2000, isa na si Raymond “Mong” Palatino sa pinakatanyag na lider-kabataan sa bansa. Noong 2001 Edsa Dos, pinangunahan ni Palatino ang pagmartsa ng libu-libong mga estudyante mula sa kampus ng UP Diliman patungong Edsa Shrine. Matapos nito, pinangunahan din […]

Rep. Neri Javier Colmenares ng Bayan Muna

Tinaguriang people’s lawyer dahil sa matagal nang rekord ng pagdedepensa niya sa mahihirap at pinagsasamantalang mga kliyente, si Neri Javier Colmenares na ngayon ay pangatlong representante sa partidong Bayan Muna sa Kamara. Beterano ng Batas Militar, naging tanyag din siya bilang abogadong nagdepensa sa mga nilalabag ang karapatang pantao ngayong kasalukuyang rehimen. Eksperto rin sa […]

Palakpakan natin si Pinky Amador bilang Edith Burgos

BIGLANG tumawag sa amin ang isa sa mga aktibong miyembro ng Concenred Artists of the Philippines at inaanyayahan kami sa technical dress rehearsal ng dulang “Mrs. B” sa Ten 02 sa panulukan ng Scout Ybardolaza Street at Timog Avenue sa Quezon City.

NASA jobsite sina Ruel Ramos, Nestor Rivera, Robert Tulop at Henry Torres noong Abril 2, 2009 nang damputin sila ng limang guwardiya ng kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan sa Tripoli, Libya. Ayon sa mga guwardiya, dadalhin sila sa isang ‘accomodation’ dahil ililipat umano sila ng trabaho. Ang hindi nila alam, pauuwiin na pala sila sa Pilipinas – […]

Empleyado sa Intramuros humiling na agarang ibalik sa trabaho

HINILING ng ilang empleyado ng Intramuros na agarang ibalik sila sa trabaho matapos irekomenda ng House Committee on Civil Service and Professional Regulations na ibalik sila sa trabaho dahil walang batayan ang pagkakatanggal sa kanila noong Enero 2009. Nagpiket ang naturang mga empleyado sa harap ng Palacio del Gobernador, Intramuros sa Maynila para ipresyur ang […]