Uncategorized

Batibot ng pagkakaisa sa gitna ng sigwa

Kuwento ng isang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga bata hinggil sa pagkasirang ginawa ng bagyo sa isang day care center at komunidad ng mga maralita, at kung paano ito nagpupunyaging bumangon nang sarili.

Nasalanta ng Ondoy sa Novaliches: Gulod ang isa’t isa

Mahigit isang linggo makaraan ang pananalasa ng bagyong Ondoy, pinipilit ng mahigit 400 maralitang pamilya sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City na makabangon mula sa sakuna—kahit halos walang ahensiya ng gobyerno o malaking pribadong organisasyon ang sa kanila’y umaayuda. Mga damit, sofa, laruan ng bata, librong pang-eskuwela, sapatos, at iba pang kagamitang may bahid pa […]

Pagsagip sa naaanod na pag-asa

Nakaupo at matiyagang naghintay si Amy Golocado o Nanay Amy, 67, sa Delpan Complex para sa damit at pagkaing ipapamahagi ng Citizens’ Disaster Response Center (CDRC) noong nakaraang linggo sa mga residente ng Tondo. Isa ang lugar sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Ondoy. Nakatirik ang kanyang bahay sa ibabaw ng katubigan ng Baseco. Kwento […]

Sapat na bang mag-relief operations ang mga artista?

Wari’y hindi matapus-tapos ang pamimigay at pagtulong ng mga taga-showbiz samga biktima ni bagyong Ondoy at maging ng lumihis na sama ng panahon na si Pepeng. Hindi lang ang ABS-CBN at GMA Network ang may mga relief fund drive. Maging ang NBN Channel 4, ang IBC Channel 13, ang RPN Channel 9, ang TV 5 […]

Showbiz, hindi lang binabaha ng luha, binabaha rin ng tubig

Nitong mga nakaraang araw ay maraming trahedya sa showbiz hindi lang kamatayan kundi madudula ring tagpo na parang hinalaw sa mga drama sa pelikula at telebisyon. Binawian ng buhay ang isa sa mga luma kundi man makalumang lider ng industriya na si Atty. Espiridion Laxa. Namatay din ang tiyo ni Victor Laurel na si Sotero […]

Sa CCP tribute kay Imelda R. Marcos…

“Binibigyan na pala ngayon ng tribute ang mga magnanakaw!” -Filipino director Jowee Morel Muntik masuka si Jowee Morel, ang kontrobersiyal na Filipino filmmaker na lumikha ng mga obrang “Mga Paru-Parong Rosas,” “Moma,” “Ec2Luv,” “Mona,  Singapore Escort,” “When A Gay Man Loves,” “Latak,” “HiStory” at “Strictly Confidential, nang masabi ko sa kanya na nasa may tarangkahan […]