‘Kalupitan ng batas militar ni Marcos, nagpapatuloy kay PNoy’

Patuloy na nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang administrasyong Aquino sa malalang lagay ng karapatang pantao sa bansa, ayon sa grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, sa okasyon ng ika-39 anibersaryo ng batas militar ng diktadurang Marcos.

Hindi na nila naabutan ang kalupitan ng batas militar, pero nasasaksihan ng mga bata ang patuloy na panunupil at pagsasamantala. (KR Guda)

Sa kabila ng pagtanggi ni Pangulong Aquino ng presensiya ng mga bilanggong pulitikal sa mga kulungan ng gobyerno, sinasabi ng Karapatan na aabot sa 360 ang bilanggong pulitikal ngayon. (Macky Macaspac)

Mukha ng ilan sa kababaihang bilanggong pulitikal sa iba't ibang bahagi ng bansa. (Macky Macaspac)

Nagsalita sa programa si Ahmad Hamja, anak ni Muhammadiya Hamja na isa sa mga sibilyang Moro na tinortyur at inaakusahang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf. Ibinibilang ang mga sibilyang Moro na patuloy na nakapiit sa Bicutan at iba pang kulungan sa mga bilanggong pulitikal sa bansa. (KR Guda)

Tila pangungutya sa panukalang batas sa Kongreso kontra sa "planking" (higang nakadapa sa kung saan-saang lugar), nagsagawa ng planking ang isang aktibista sa gitna ng mga barbed wire sa harap ng Mendiola Peace Arch. (KR Guda)

Planking ng iba pang aktibista sa kalsada ng Mendiola, bilang protesta sa pagpapatuloy ng panunupil 39 taon matapos ang batas militar sa bansa. (KR Guda)

Planking pa rin, sa mataas na paanan ng rebulto ni Don Chino Roces. (KR Guda)

Sa harap ng pagpapatuloy na panunupil, nangako ang mga grupong pangkarapatang pantao at aktibista na ipagpapatuloy nila ang pakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya. (KR Guda)