Ka Roger, karismatikong rebolusyonaryo

Ilang sipi ng mga alaala ng iba’t ibang personahe, hinggil kay Gregorio “Ka Roger” Rosal. Narito rin ang mga larawan, sa iba’t ibang panahon, ng tinitingalang tagapagsalita ng armadong rebolusyon sa Pilipinas.

Mahilig tumugtog ng harmonica si Ka Roger, at itinuturing niya ang pagtugtog nito na bahagi ng rebolusyonaryong gawain niya. (Boy Bagwis)

Kasama ang mga mamamahayag, matapos ang isang press conference sa kabundukan ng Bikol noong 2001. (Boy Bagwis)

Kapanayam sa ere ng DZMM si Ka Roger, noong 2001. Nasa likod, ang mamamahayag na si Pia Hontiveros. (Boy Bagwis)

Sa press conference, matapos palayain ang prisoner of war na si Lt. Noel Buan, sa Mindoro, noong 2001. (Boy Bagwis)

Napaiyak si Buan matapos palayain ng New People's Army, noong 2001. Kasama pa sa seremonya ng pagpapalaya sina dating Executive Secretary Eduardo Ermita, noo'y punong negosyador ng gobyerno na si Silvestre Bello III, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, at Sen. Loren Legarda. Nasa gitna, si Ka Roger. (Boy Bagwis)

Nagsalita si Ka Roger sa isang pagdiriwang ng anibersaryo ng Communist Party of the Philippines, sa kabundukan ng Bikol, noong Disyembre 2001. Lumabas ang larawang ito sa front page ng Philippine Daily Inquirer. (Boy Bagwis)

Sa press conference sa Sagada, Mountain Province na ikinasurpresa ng marami sa publiko kabilang ang mga nasa militar at gobyerno, magkasabay na humarap sa midya si Ka Filiw Naogsan, tagapagsalita ng Cordillera People's Democratic Front, at Ka Roger. Miyembro ng National Democratic Front ang CPDF. (Boy Bagwis)

Si Ka Roger, sa press conference sa Mountain Province. (Boy Bagwis)

Matagal na hindi nakapagpaunlak ng panayam sa pamamagitan ng cellphone si Ka Roger dahil sa mga konsiderasyong panseguridad. Noong 2006, nagkaroon na rin siya ng malubhang sakit na nagsimula sa stroke. Sa larawang ito, isa sa sa mga pambihirang pagkakataon, nakagamit siya ng cellpone. Taong 2009 na ito nakuha. (Boy Bagwis)

Mahihinuha sa larawan ang bahagyang paghina ng kanyang katawan, noong 2009. Gayunman, sabi ng CPP, patuloy na gumampan siya ng rebolusyonaryong gawain hanggang atakihin siya sa puso noong Hunyo 22, 2011. (Boy Bagwis)

(Ikilik ang Next page para sa iniambag na mga larawan ni Ka Roger noong maagang bahagi ng dekada ’90.)