Pinoy Weekly

Kamatayan at paglaban sa Balikatan

Tropang militar sa Balanak, Ligao City (Alex Felipe)
Tropang militar sa Balanak, Ligao City (Alex Felipe)


“HINDI sampung libong piso ang katumbas ng buhay ng aking anak, ang kailangan namin ay katarungan.”

Ito ang mariing binigkas ni Jocelyn Polborido, 30 anyos na ina ni Rafaela Polborido, ang  dalawang taong gulang na batang namatay sa clearing operation ng militar sa Barangay Balanak, Ligao City, Albay noong Pebrero 18, 2009.  Bahagi ito ng malawakang operasyong militar ng  65th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bulubunduking bahagi ng rehiyong Bicol at maging sa mga baybayin nito bilang paghahanda sa ehersisyong militar na Balikatan sa pagitan ng mga tropang Amerikano at Pilipino ngayong Abril.

Bakas sa pamilyang Polborido ang hinagpis at pagdurusa nang abutan ng mga kalahok ng psycho-social therapy mission na ginanap nitong Marso 14-16, 2009. Kabilang sa lumahok sa mission ang Children’s Rehabilitation Center (CRC), Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, Center for Women’s Resources (CWR), at BICOLANA-Gabriela at isang Fil-Canadian photojournalist mula sa Philippine Advocacy Through the Arts in Canada (Patac).

Mainit na pagtanggap

Sa kabila ng mahigpit na pagbabantay at intimidasyon ng mga elemento ng 65th   Infantry Battalion, mainit na tinanggap at sinalubong ng mga residente ang mga kalahok ng mission, kaya’t matagumpay na naisakatuparan ng grupo ang psycho-social activity para sa mga batang direktang naapektuhan ng clearing operation at nakapanayam ang mga biktima at ilang residente ng Barangay Balanak.  

Sa pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari ni Jocelyn noong Pebrero 18, 2009, “Nasa labas kami ng bahay, katabi ko si Daisy habang sina Ina at Rafaela ay naglalaro naman sa harap ng aming bahay, mga alas-onse (11:30) ng umaga noon. Nakarinig kami ng mga putok, dyan sa bandang itaas ng bahay namin.” 

Dagdag pa ni Jocelyn, “Natakot ako at kinuha ko ang mga bata, tumakbo kami papunta sa bahay ng aking biyenan, dahil sementado iyon.” 

“Bago kami makarating sa bahay ng aking biyenan, sinalubong kami ni Eufemia at tinanong kami kung bakit kami nasa labas samantalang nagkakaputukan na. Pinapasok kami sa may kusina. Pagkapasok namin, nakarinig na kami ng pagsabog sa bubungan ng bahay,” kuwento pa ni Jocelyn. 

Ang  kinaroonan ng bahay nina Jocelyn ay nasa itaas na isang burol, samantalang ang bahay nag kanyang biyenan na si aling Gloria ay may layong mahigit 200 metro. Pababa sa pagitan nito ang bahay ni Eufemia Polborido, hipag ni Jocelyn.

Dito sila inabutan ng pagsabog ng bomba. Umapoy ang bahay. Sugatan silang nasa loob. Nasawi naman si Rafaela.

email

1 2 3 4

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=166

Macky Macaspac Posted by on Mar 12 2009. Filed under Features. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes
More in Features (896 of 920 articles)