Nagmartsa mula Liwasang Bonifacio patungong Kalaw Avenue malapit sa embahada ng US ang mga manggagawa at iba pang sektor sa pamumuno ng Kilusang Mayo Uno para gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo 1. Nanawagan ang KMU ng P125 dagdag-sahod at panlipunang hustisya sa mga manggagawa ngayong krisis. (KR Guda)
Ayon sa Kilusang Mayo Uno-Southern Mindanao Region, walang kagyat na tulong-pinansiyal o malinaw na plano ang mga sangkot na ahensiya para sa daan-daang manggagawang biglang nawalan ng pagkakakitaan.
“Napakaliit ng P85 na dagdag na sahod, hulugan pa at sa NCR lang,” ani Kilusang Mayo Uno secretary general Mary Ann Castillo. Hindi aniya sapat ito dahil sa matinding pagtaas ng presyo sa langis, kuryente at iba pang gastusin.