Video: Demolisyon ng kubul-kubol ng maralita sa tabing-riles (Tudla Productions)
Sa loob ng kalahating oras, nawasak ng higit 30 tauhan ng demolition team kasama ang halos 20 pulis ang mga kubol-kubol o pansamantalang tirahan ng mga biktima ng demolisyon sa tabing-riles sa Brgy. Alabang. Dinemolis din ang mga kubol-kubol ng maralita sa Brgy. Cupang.
Mula sa Tudla Productions
Para sa iba pang istorya hinggil sa isyu, basahin:
http://pinoyweekly.org/new/kubol-biktima-demolisyon-winasak/
http://pinoyweekly.org/new/maralitang-biktima-ng-demolisyon-ng-south-rail-project-nagmartsa/
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=1538














tama lang ang ginawa ng pnr para magkaroon tayo ng epektibong n transportasyon. dapat talaga lumipat na sila sa mga pabahay na pinagkaloob sa kanila ng gobyerno.. panahon na para maisaayos ang ating riles…
Tama ka diyan kapatid pabor ako sa ginawa ng PNR matagal na nilang binaboy ang riles at walang habas ang pagtapon ng ihi at tae sa mga pasahero. Mananakay ako ng tren na ito at alam nating lahat n npaka importante nito para sa atin at kung ito matutuloy ang pag kumpuni at pagsasaayos ng tren marami sa ting kababayan ang makikinabang nito pati naring kayong makakaliwa ng ayaw sa gobyernong pinparatangan ninyong magnanakaw. At itong gobyernong ito lang ang may political will na wala sa ibang namuno sa atin. ikaw kaibigan ano ba balak mo sa pilipinas hataking pababa o magtulukan tayo ptungo sa ikauunald ng bayan o ang gusto ninyo eh madugong rebulusyong na papatay sa mga mamayang sinsabing mong gusto niyong tulungan. Isa lang ang tanong kaibigan ano ba ang pinaglalaban ninyo? Ang mga taong tamad na puro umaasa n lang ng tulong na pinag paguran ng iba. Na alam naman natin na Squatter ay salot sa lipunan.
jack at jomel, mayayaman ba kayo? milyunaryo? alta-sosyedad? may breeding?
tinatanong ko kasi kung makaasta kayo parang diring diri kayo sa mga mahihirap. bakit ba sila nasa tabing-riles? tingin nyo ginusto nilang doon tumira? kayo kaya, gugustuhin ninyong dun tumira? kung makaasta kayo eh. nandun sila dahil wala silang mapuntahan. dahil walang disenteng pabahay. ano ba ang mas basic, pabahay o tren (kung sa tren man talaga mapupunta ang pinangutang ng gobyerno, baka sa korapsyon pa)? saan sila galing? bakit sila lumikas sa dati nilang tinitirhan? bakit walang disenteng hanapbuhay na mahahanap?
yan ang tanong na dapat tinatanong ng marangal na tao. di yung unahinn pa ang pangungutya sa mahihirap. porke nababahuan kayo. e kayo itong ang isip ay mabaho.
political will? saan ka ba pinanganak, jack? saang mundo ka pinanganak at di mo alam ang mga katarantaduhang ginagawa ni gloria? political will, oo. political will para dayain ang eleksyon, para pagpapatayin ang mga aktibista, para ipalusot ang charter change nang siyay manatili sa poder pagkatapos ng 2010. yan ang political will na sinasabi mo. political will ng isang kurakot, mamamatay-tao at despotikong politiko.
squatter ang salot sa lipunan? subukan mong tingnan ang sarili mo. ikaw ang salot sa lipunan. yang pag-iisip mong sinisisi pa ang mahihirap sa halip na yung nagpapahirap.
isa rin akong mahirap na mamayan kapatid at wag kang magsalita na alm mo lahat ang sinasabi mo. Puro kayo paninisi sa gobyerno. Tanungin kita kapatid anung nagawa mo mabuti sa bayan para magsalita ng di mganda sa gobyerno. panahon ni marcos aya niyo. panahon ni cory ayaw niyo, panahon ni FVR ayaw niyo, panahon ni ERAP ayaw niyo. ano gusto mo sa isang gobyerno mamigay ng bahay at lupa hindi kana magtatatrabaho maghihintay ka na lang ng makakain mo? Kapatid mahirap pa kami sa daga at marunong akong magbanat ng buto at rumespeto sa mga mamayang marunong rumespeto sa kapwa. kung magsalita ka kala mo inapi kayo ng husto. bakit sno bang nambaboy ng lugar na yan gobyerno ba? Sinong may kasalanan sa paghihirap nila ako ba o gobyerno ba sa kanila din? dami kong napuntahan at nakilalang NGO na gustong tumulong diyan magbigay libreng pag-aaral. gaya ng pananahi, pagsasaayos ng mga sirang kasangkapan ng gya ng tv, radio at maraming pang iba. Sila mismo ang pumpunta diyan sa PACO anong ginawa ng mga sinasbi mong pinaglalaban mong karapatan, ayun sila pa ang may ganang magalit at magmatapang samantalang sila na ang lumalapit para mbigyan ng tulong. Ngayon kapatid ikaw na magsalita kung sino sa atin ang hindi lumaki dito sa pilipinas na pilit nababoy dahil sa kawalan ng pagmamahal at respeto sa bayan. anung katibayan mo na nagnakaw ng kaban ng bayan ang nakaupo ngayon? Mayaman lang ba kapatid ang dapat magasalita sa pagbaboy ng ating Daang bakal na minanan pa natin sa ating mga ninuno asan ang respeto dito kapatid. Concern citizen ang twag dun kapatid. Isa lang tanung ko sayo kapatid Lupa ba nila yan at may binigay ang gobyerno na bahay para sa kanila baka di mo alam. Yan ang mhairap sa atin eh pag alam natin na ang gobyerno eh gagawa ng pabahay para sa mga kapatid ntin taga riles, kahit di taga iskwater pupnta at makikisalamuha sa libreng pabahay. Masarap talaga ang LIBRE san ka nakitang isang lugar LIBRE lahat tubig. kuryente, alang upa sa bahay wow kapatid yan ba ang gusto mo turuan silang maging tamad na kagaya mo magbanat ka naman ng buto. I’m a working student before I finish my degree course I took for 9.5 years. kahit anong trabaho basta marangal pinasok para lang mabuhay at hindi maging sakit ng lipunan. ngayon sino sa atin mahirap. kung lagi nting iisipin na laging gobyerno ang dahilan ng paghihirap nila o ako sana tinanong mo sila kunbg bakit. alam mo ng mahirap ka magpaparami kapa ng anak at puro sarap alang ang nas utak. ikaw na humusga kung sino ang nagpapahirap sa sitwasyun nila. Mahirap na nga bayan natin over populated pa dahil sa kawalan ng respeto sa buhay. kung may pagmamahal ka sa pamilya mo at sa bayan dapat magisip ka ng mabuti. Di puro gobyerno ang sisihin mo. Gumising ka kapatid ang Pilipinas ang Bayan ng walang pakialam at walang respeto sa batas os anumang bagay. Punta ka sa ibang bansa kapatid kapwa mo Pilipino ang mattraydor sayo. Dun mo makikila at ikahihiya ang lahing Pilipino. UTAK TALANGKA, at lahat nagpapagilangan lahat matalino, lahat alam ang karapatan, pero kung titignan mo lahat tayto walng respeto sa isa’t-isa. diba ibat ibang estado lang. matalino ka alam mo ang ibig kong sabihin wag palawakin mo ang pagiisip mo. Wag ka lang tumutok sa isang problema alamin mo anng punot dulo at gawa ka ng paraan na hindi gawa sa dahas. at huwag kang lumbas ng kalsada na nakakuyom ang palad. na parang gusto mo lagi ng gulo. at naghahamon at walang repseto sa batas. panu kayo rerespetuhin kung kayo mismo wlang respeto.
aaminin ko, di ko binasa lahat ng sinulat nitong si jack na nasa taas. sobrang haba, masyadong madada. pero kuha ko ang punto: una, di dapat isisi sa gobyerno ang lahat. pangalawa, binaboy ng mga mahihirap ang daang-bakal. sa una, kahit sinong kaliwete, sinong aktibista, kapag tinanong mo kung sinisisi nila sa gobyerno ang lahat, sasabihin nila siyempre hindi. ipapaliwanag nila ang nature ng lipunang pilipino, ang dominasyon ng imperyalistang US sa ating ekonomya at politika, ang pagpapatakbo sa gobyerno na parang negosyo, at ang kawalan ng tunay na repormang agraryo. ano ang pananagutan ng gobyerno sa mga ito? napakalaki. ito ang nagtitiyak na mamantine ang kalagayang ito. bakit? kasi kumikita sila, napapanatili ang paghahari-harian nila. sino sila? ang uring nagdodomina sa pagiging kasosyo ng imperyalista at nagdodomina sa mga lupain ng bansa.
yung sa pangalawa, yun nga ang punto ko. walang choice ang maralita na tumira sa mga lugar na tulad ng daang bakal. ang tanong ko nga kay jake at dun sa naunang nagkomento, kung ikaw ba may choice kung saan titira, titira ka ba sa isang lugar na mapanganib? siyempre hindi. siyempre hindi nila piniling tumira diyan. “binaboy” nila? dahil ba marumi silang mga tao? ganito kababaw mag-isip yang jack na yan. mababaw at elitista. kahit ganoon ang mahihirap, marangal sila. karamihan sa kanila, hindi nagnanakaw, hindi nagsasamantala sa iba, hindi nangungurakot. masasabi mo ba ito sa mga kongresista na bumulsa ng P20 milyon noong pinasa ang con-ass? (wag mong sabihing walang pruweba, kasi mayroon. sobrang ignorante ka sa pulitika sa bansa kung hindi mo alam yan).