Pages: 1 2 Next page »

Melissa Roxas: Nagnais alamin ang kalagayan ng bansang pinagmulan ng kanyang mga magulang. (Larawan mula sa Bayan-USA)
Piniringan, pinosasan buong panahon, sinampal (o sinuntok) sa panga at katawan.
Ito ang ilan lamang sa mga naranasan ni Melissa Roxas, aktibistang Pilipino-Amerikano na dinukot ng pinaghihinalaang mga militar sa La Paz, Tarlac noong Mayo 19 at pinalaya noong Mayo 25. Nagboboluntir si Melissa para sa isang serbisyong medikal ng militanteng mga organisasyon sa Tarlac nang madukot siya at dalawang kasamahan. Sa kamay ng diumano’y sundalo, naranasan ni Melissa ang karahasang matagal na niyang nilalabanan bilang aktibista sa US.
Ang masaklap, ayon kay Berna Ellorin, kapwa Fil-Am at tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-USA na organisasyon din ni Melissa sa Los Angeles, USA, US citizen si Melissa. Ibig sabihin, tinortyur at tinangkang patayin siya ng militar ng Pilipinas na pinopondohan at sinasanay ng gobyernong US na binubuwisan ni Melissa.
“Balisa kami na ipinasailalim si Melisa sa isang karumaldumal, di-makatao, at lantarang ilegal na pagtrato na resulta ng kontra-insurhensiyang witchhunt ng gobyernong Pilipino,” sabi ni Ellorin.
Boluntir
Marami ang mga Pilipino-Amerikano na tulad ni Melissa na pumupunta sa bansa para makilala ang bayang pinagmulan nila.
Sa kanyang sinumpaang salaysay sa insidente ng pagdukot sa kanya, ikinuwento ni Melissa ang layunin niya sa pagpunta sa Pilipinas: “Nag-aplay ako para sa isang exposure program sa Pilipinas, na siyang pinagmulan ng mga magulang ko, sa pamamagitan ng Bayan-USA na miyembro ako para kumalap ng materyales sa isang proyektong sulatin bilang miyembro rin ng Habi Arts, isang community arts-based organization na nakabase sa Los Angeles, California.”
Sa kanyang exposure, humigit pa sa pangangalap ng materyales para sa isang sulatin ang nagawa ni Melissa. May background kasi siya sa mga isyung pangkalusugan, bilang gradweyt ng University of California San Diego sa kursong BS Animal Physiology and Neuroscience at BA Third World Studies na may minor sa Health Care and Social Issues. Tamang tama, nakatulong siya sa pagsasagawa ng mga sosyo-sibikong aktibidad ng Bayan sa Tarlac, laluna sa mga liblib ng lugar tulad ng La Paz.
Noong Mayo 19, ani Melissa, nasa La Paz siya para tumulong sa pag-oorganisa ng isang medical mission. Doon, habang humihimlay sa isang bahay (nanonood daw siya ng TV, tanghaling tapat, 1:30 ng hapon), humigit-kumulang sa 15 armadong kalalakihan na may suot na bonnet ang pumalibot sa bahay at puwersahang pumasok sa bahay. Tinutukan ng baril ang mga taong nasa bahay kabilang si Melissa.
“Sinubukan nilang i-tape ang bibig ko pero napigilan ko ito at gusto nilang posasan ako pero nalabanan ko at mahigit limang tao ang nagtulung-tulong sa akin, sa paghawak sa mga kamay at binti ko…[P]atuloy na nagpumiglas ako at sumigaw sa may-ari ng bahay na, ‘Kuya, tulungan mo ako’,” sabi ni Melissa.
Sinigaw niya ang pangalan niya pero ilang ulit siyang sinuntok sa kanyang tagiliran at pinasok sa isang van na kulay asul 15 metro ang layo mula sa bahay.
Dinala silang tatlo sa isang di-alam na lugar kung saan ikinulong si Melissa sa isang kuwartong “may rehas.” Nanatili siyang nakapiring at nakaposas sa likod niya.
Pagkadukot, tinortyur
“Sa dalawang araw ko roon, nakarinig ako ng gawaing construction — blowtorching, pamumukpok, at ingay sa construction…Nakarinig din ako ng mga putok ng baril sa isang firing range at mga eroplanong lumilipad at luma-landing at maingay ito…” salaysay pa ni Melissa.
Pages: 1 2 Next page »
No related posts.
Ito ang higanteng tarpaulin na magkabilaang bumabalandra sa mga dumadaan ng Commonwealth Avenue, patungong Quezon Memorial Circle. “Calling card” kumbaga ni Gloria Arroyo sa paghahanap ng legacy ng kanyang termino. Na kahit ang opisyal sa Quezon City na nagpagawa ng anunyso na bawal ang political propaganda sa mga lansangan nito ay tila nagkikibit-balikat na lamang.
Sana may lumabas na star witness. Pag gobyerno ang kalaban, walang nakukulong!!! kanya kanyang takipan.