OFW

Migrante sa DoLe, POEA: abusadong employer dapat ipagbawal

Dapat pagbawalan ng DoLE (Department of Labor and Employment) – sa pamamagitan ng POEA (Philippine Overseas Employment Administration) at Polo (Philippine Overseas Labor Offices) sa ibang bansa – ang mga abusadong employer sa pagkuha ng mga OFW (overseas Filipino workers) o kaya’y itigil na ang pagpapadala ng mga migrante, ayon sa Migrante-Middle East.

Sinabi ni John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-ME, napipilitan ang mga OFW na magtrabaho sa ibang bansa dahil walang makuhang trabaho sa loob ng bansa. Subalit hindi umano ito dapat samantalahin ng administrasyong Arroyo kapalit ang buhay ng mga OFW.

Aniya pa, lalo pang dumarami ang mga OFW na tumatakas sa kanilang employer dahil sa iba’t ibang klase ng pang-aabuso.

“Dapat nang seryosong umaksiyon ang gobyerno para wakasan ang mga pang-aabusong ito nang walang pag-aatubili,” sabi pa ni Monterona.

Matitigil lamang umano ang problema ng pang-aabuso kung maiisip ng gobyerno na hindi sagot sa bagsak na ekonomiya ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga mamamayan nito sa ibang bansa.

“Ito’y resulta ng maling mga polisiya sa ekonomiya at paggawa ng administrasyong Arroyo at ng mga nauna pa sa kanya,” dagdag ni Monterona.

Sinabi pa ni Monterona na araw-araw nasasaksihan ng sambayanang Pilipino ang lumalalang kondisyon ng mga OFW tulad ng seksuwal na pang-aabuso, hindi pagpapasuweldo, malaaliping kalagayan sa trabaho, illegal recruitment, at iba pang pagmamaltrato.

Kaya nararapat lamang umanong pagbawalan ang mga abusadong employer at makipagkasundo ang gobyerno sa mga bansang pinadadalhan ng OFW na igalang ang karapatan ng mga migranteng Pilipino.

“Sa pamamagitan ng pag-ban sa mga abusadong employer, matuturuan ng leksiyon ang mga ito gayundin ang ibang mga bansa para igalang at itaguyod ang karapatan ng mga migranteng manggagawa,” giit ni Monterona.

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. 30 pang OFW tumakas mula employer sa Libya
  2. Opisyal ng embahada sa Kuwait pinaiimbestigahan ng Migrante
  3. OAV registration dapat palawigin – Migrante
  4. Serye ng pagkamatay ng di-kilalang OFW sa Jeddah nakakaalarma – Migrante
  5. Nakawelgang caregiver sa Saudi: gobyerno ‘nakipagsabwatan’ sa abusadong kompanya

Discussion

No comments for “Migrante sa DoLe, POEA: abusadong employer dapat ipagbawal”

Post a comment

Opinyon

Neoliberalism Reloaded

(1) Sa hanay ng mga kapanalig ni Presidente Noynoy Aquino, may isang paraan para mapag-iba ang mga sagad-sagarin sa mga kahit paano’y kritikal kung magsuri, iyung may katapatan pangunahin sa pangulo at iyung pangunahin sa bayan: Paano nila hinuhusgahan ang unang State of the Nation Address ni Noynoy? Kung puro papuri, nakahanay sila sa nauna; kung kahit paano’y may papitik-pitik na pagpuna, sa ikalawa.

Read on