Pinoy Weekly

Migrante sa HK nagrali para sa minimum na sahod

hk

Protesta ng mga dayuhang manggagawa sa Hong Kong. / Contributed photo

Nakiisa ang mga OFW (overseas Filipino workers) sa isang rali sa Hong Kong para ipanawagang isama ang mga FDW (foreign domestic workers) sa SMW (Statutory Minimum Wage) bill habang dinidinig ito ng Legislative Council o LegCo noong Hulyo 8.

Nagprotesta ang mga miyembro ng United Filipinos in Hong Kong na kasapi ng AMCB (Asian Migrants Coordinating Body) sa harap ng Legco para iapela sa mga miyembro nito na ipakitang nakikisimpatiya sila sa mga dayuhang manggagawa.

Ayon sa grupo, nawalan na sila ng pag-asa sa Executive Committee dahil sa ipinakita nitong kawalan ng respeto sa mga migranteng manggagawa sa naturang bansa.

“They treat us as second-class, or even third-class, citizens and has never hesitated in reducing us to a slave-like status,” ayon kay Eni Lestari, tagapagsalita ng AMCB.

Idinagdag ni Lestari na plano nilang lapitan ang indibidwal na mga miyembro ng LegCo gayundin ang mga unyon, lokal na mga employer at simbahan para humingi ng suporta.

Nais umano ng AMCB na ihiwalay ang sahod ng mga FDW sa arbitraryo at tagong proseso ng ExCo at ipasa sa Legco kung saan may mas pantay silang laban kung adbokasiya ang pag-uusapan.

Tinawag pang hipokrito ni Lestari ang pangangatwiran ng ExCo na hindi isinaman sa SMW ang mga dayuhang manggagawa bilang “proteksiyon sa disbentaheng sektor’ at ‘promotion of social harmony.

“Are we not members of the disadvantaged sectors and are we not part of the HK society? These reasons of the ExCo not only exclude us from the SMW but also from the whole social structure in Hong Kong. This is the height of discrimination by the HK ExCo,” ani Lestari.

Iginiit ni Lestari na hindi sila maaaring maging ekstensiyon lamang ng serbisyong panlipunan ng gobyerno sa mga employer kundi manggagawa.

Sinabi pa ni Lestari na hihingi sila ng internasyunal na suporta mula sa International Labour Organization at iba pang unyon sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2598

Posted by on Jul 9 2009. Filed under OFW. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes