Video: SONA sa kalsada 2009: Lakas ng sambayanang Pilipino laban sa pamunuang Arroyo


Sa ika-siyam na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo noong Hulyo 27, dumagsa sa kalsada ang halos 20,000 katao mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan para siguruhing ito na ang kanyang huli. Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan, siningil nila ang umano’y “pagpapahirap, pagnanakaw, panunupil, at pagpapakatuta” ni Arroyo. Iginiit nilang muli ang pagtutol sa pag-aamyenda ng 1987 Konstitusyon na anila’y tutungo sa term extension ni Arroyo at sa ibayong kontrol at panghihimasok ng mga dayuhan sa bansa.

Sa ika-siyam na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo noong Hulyo 27, dumagsa sa kalsada ang halos 20,000 katao mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan para siguruhing ito na ang kanyang huli. Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan, siningil nila ang umano’y “pagpapahirap, pagnanakaw, panunupil, at pagpapakatuta” ni Arroyo. Iginiit nilang muli ang pagtutol sa pag-aamyenda ng 1987 Konstitusyon na anila’y tutungo sa term extension ni Arroyo, ibayong kontrol ng mga dayuhang kapangyarihan sa bansa, at lalong pagpapahirap sa sambayanang Pilipino.

(Inihanda ng Pinoy Weekly sa pakikipagtulungan ng May Day Productions)