Pinoy Weekly

Video: Bago multi-milyong anomalya sa DepEd, ibinunyag ng kabataan

Ibininunyag ng Kabataan Party-list ang isang bago umanong anomalya sa Department of Education (DepEd) sa isang press conference noong Agosto 26. Sa invitation to bid ng DepEd noong Disyembre 2007, lumalabas na  bumibili ang ahensiya ng 500 milyong tableta ng ferrous sulfate sa halagang P5 Milyon;  2,500 kahon dental anesthetics sa halagang P1.875-M; 500 set ng otoscope sa halagang P1-M; at 150,000 sachet ng citronella shampoo sa halagang P900,000. Pero sa bagong invitation to bid noong Agosto 2008, naging 75 na lamang ang set ng otoscope at 75,000 ang sachet ng citronella shampoo pero sa parehong halaga. Ang dating P6 na bid para sa isang sachet ng citronella shampoo, naging P12, samantalang ang dating P2,000 na bid para sa isang set ng otoscope ay naging P13,000. Ginagamit ang otoscope para silipin ang tenga; at ang citronella shampoo para tanggalin ang kuto at lisa. Ayon kay Kabataan Rep. Raymond Palatino, binili ng DepEd ang nasabing mga kagamitan nang mas mataas sa presyo sa merkado. Pinangangambahang nakinabang ang ilang matataas na opisyal ng DepEd sa proyekto, gaya ng sa naunang maanomalyang pagbili ng noodles at mga textbook.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3699

Posted by on Aug 28 2009. Filed under Balita, Multimedia. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes