Hindi dapat gawing rekisito sa pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) ang sapilitang pagpapamiyembro sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ayon sa isang grupo ng mga migrante sa Hong Kong.
Sinabi ni Dolores Balladares-Pelaez, tagapangulo ng United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL-MIGRANTE HK), ang sapilitang koleksiyon ng OWWA membership fee sa pamamagitan ng OEC ay maaaring gamitin ng administrasyong Arroyo bilang pondo sa eleksiyong 2010, tulad ng E-card na pinabayaran din sa mga OFW bago ang eleksiyong 2004.
“Mula sa P6.2 bilyong koleksiyon noong 2002, lumobo ang pondo sa P12 bilyon na ang kalakhan ay nagmula sa mahigit 3,000 OFW na sapilitang pinagbayad ng OWWA membership fee,” sabi ni Pelaez.
Ang OEC ang nagpapatunay ng istatus ng isang OFW para makakuha ng eksempsiyon sa travel tax at airport terminal fee.
“Naalarma kami sa dumaraming reklamo mula sa mga OFW na tinatanong muna kung aktibong miyembro ng OWWA bago bigyan ng OEC. Hindi kailanman ito naging rekisito. Ang alam lang namin ay pasport at kontrata sa empleyo. Kinokondena namin ito at nararapat lamang na maimbestigahan,” ani Pelaez.
“Dapata managot si Labor Attache Romy Salud at ang POLO sa mapanlinlang na implementasyon ng sapilitang pagpapamiyembro sa OWWA sa pamamagitan ng OEC,” dagdag niya pa.
Nilinaw pa ni Pelaez na simula pa noong 1996, boluntaryo ang kontribusyon ng mga OFW sa Hong Kong para maging kasapi ng OWWA dahil na rin sa malakas na pagtutol ng mga OFW.
Sinabi niya pa na hindi papayagan ng mga OFW sa Hongkong ang gobyerno na baligtarin ang tagumpay na nakamit nila para sa boluntaryong kontribusyon sa OWWA. “Higit pa, igigiit namin ang aming karapatan sa pagkuha ng OEC nang walang kondisyon,” sabi ni Pelaez.
Umaasa ang UNIFIL-MIGRANTE-HK na agad na aakisyon si Consul General Claro Cristobal laban sa maanomalyang transaksiyon na gamitin ang OEC para makapiga ng pera mula sa mga OFW.
Related posts:
(1) Hindi kami personal na magkakilala ni Alexander Martin Remollino, makabayang manunulat at makata. Hindi ko alam, bagamat may ilang pagkakataong nagkasama kami sa pulong o aktibidad, hindi kami personal na naipakilala sa isa’t isa. Pero kilala ko siya, syempre, dahil nakikita ko ang pangalan niya sa mga tula at sanaysay na umiikot sa mga sirkulong aktibista. Tapos nakikita ko siya – matangkad, mahaba ang buhok, parang laging may gustong sabihin – sa maraming pagkakataon. Syempre pa, mataba siya noon. Nitong huli’y pumayat siya nang napakabilis. At dahil hindi naman ako taong mapanghusga, naisip ko lang na siguro’y nagdodroga siya. Iyun pala, iba na.
Discussion
No comments for “Pagpapamiyembro sa OWWA, di dapat rekisito sa pagkuha ng OEC”
Post a comment