Pinoy Weekly

Balita: Protesta laban sa pagtaas ng presyo ng langis, sunud-sunod

Naglunsad ng isang noise barrage noong Oktubre 23 ang grupong PISTON o Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide sa Cubao bilang protesta sa pagtaas ng presyo ng langis, kung saan P2 kada litro ang itinaas ng presyo ng diesel. (Angelica Carballo)

Naglunsad ng isang noise barrage noong Oktubre 23 ang grupong Piston (Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide) sa Cubao, Quezon City bilang protesta sa pagtaas ng presyo ng langis, kung saan P2 kada litro ang itinaas ng presyo ng diesel. "Sa panahong wala pa ring tahanan at trabaho ang libu-libong Pilipino, nakamamatay gaya ng mga bagyo ang panibagong oil price hike," sabi ni George San Mateo, pangkalahatang kalihim ng Piston. (Angelica Carballo)

Samantala, sa araw ding iyon, sinugod ng mga grupong kabataan ang opisina ng Petron sa Makati City para kondenahin ang umano'y pagkaganid ng malalaking kompanya ng langis at ang pagpapabaya dito ng gobyernong Arroyo. "Pinagsasamantalahan pa ng mga kompanya ang kalagayan ng mga Pilipino dahil sa bagyo. Alam nilang inelastic goods ang mga produktong petrolyo at na bibilihin at bibilhin ito," sabi ni Anton Dulce, pangalawang tagapangulo ng Anakbayan. (Karlos Manlupig)

Samantala, sa araw ding iyon, sinugod ng mga grupong kabataan ang opisina ng Petron sa Makati City para kondenahin ang umano'y pagkaganid ng malalaking kompanya ng langis at ang pagpapabaya dito ng gobyernong Arroyo. "Pinagsasamantalahan pa ng mga kompanya ang kalagayan ng mga Pilipino dahil sa bagyo. Alam nilang inelastic goods ang mga produktong petrolyo at na bibilihin at bibilhin ito kahit mataas ang presyo," sabi ni Anton Dulce, pangalawang tagapangulo ng Anakbayan. (Karlos Manlupig)

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=4672

Posted by on Oct 23 2009. Filed under Balita, Multimedia. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes