Pinoy Weekly

DSWD, nag-iimbak ng relief goods para magamit ng administrasyon sa eleksiyon?

Isa sa mga litrato na ebidensiya diumano ng pag-iimbak ng DSWD sa relief goods mula sa ibang bansa. (ellaganda.com)

Isa sa mga litrato na ebidensiya diumano ng pag-iimbak ng DSWD sa relief goods mula sa ibang bansa. (ellaganda.com)

Nanawagan ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kagyat na ipamahagi sa mga mamamayang nasalanta ng bagyo ang relief goods na nasa kamay ng departamento.

Ito ay matapos ibulgar ni Ella Rose delos Santos sa kanyang blog ang mga litrato na nagpapakitang nakatengga sa isang warehouse ng DSWD ang relief goods na nakalap ng gobyerno mula sa mga donor sa ibang bansa.

“Hindi masisisi ang mga manggagawa at mamamayang Pilipino na isiping iniimbak ang mga relief goods para magamit sa pamumulitika ng rehimen, lalo na para sa papalapit na eleksyong 2010,” pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Umano’y “kasuklam-suklam” at “walang kapatawaran” ang pag-iimbak ng gobyerno sa relief goods na kinakailangan ng maraming komunidad na apektado ng kakatapos na mga bagyo.

Pinabulaanan ni Kal. Esperanza Cabral ng DSWD ang mga alegasyon ni delos Santos, isang volunteer ng DSWD na natuklasang walang katao-tao ang nasabing warehouse. Hindi umano “nabubulok” ang nasabing relief goods na non-perishable items gaya ng mga de-lata, kumot, at gamit pangkusina. Umano’y nirereserba rin ang mga ito ng departamento para sa mga komunidad na hindi pa naaabot, at para sa susunod pang mga kalamidad.

“We would like to assure all of you that the relief goods will reach the intended beneficiaries as they become necessary and will be used only to assist them. However, the relief goods don’t all go out at the same time and an empty warehouse is not proof that the goods were used properly just as a full warehouse is not evidence that the goods are being hoarded,” pahayag ni Cabral.

Pero ayon kay delos Santos, binaluktot ni Cabral at ng midya ang kanyang mga sinabi. Ang ibigsabihin umano niya sa terminong “nabubulok” ay “nakatambay” o “matagal nang hindi ginagalaw.” Ginamit niya ito sa orihinal na blog entry na pinamagatang Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?, na mabilis na kumalat sa Internet.

“The burden of proof is on you. The donors expect that everything they sent be distributed immediately to the intended recipients and not be stored in some warehouse. As government officials, it is your social responsibility to the people,” sabi pa ni delos Santos sa kanyang pinakahuling blog entry.

“Dapat tigilan na ng DSWD ang pagtatangkang tabunan ang isyu sa pamamagitan ng pamimilosopo kung talagang literal na ‘nabubulok’ ang relief goods. Alam namin ang totoo,” ayon naman kay Labog.

Babala ng KMU, kapag hindi kagyat na ipamahagi ng DSWD ang relief goods, baka hindi mapigilan ang mga mamamayan na pasukin ang mga warehouse at pwersahang kuhanin ang mga ito. ”Bagamat pwedeng tingnan ang ganitong aksiyon na ‘pagnanakaw’ o looting, mahalagang tandaang ang relief goods ay para sa mga tao, hindi sa mga daga – sa mga imbakan man ng DSWD, sa pamunuan ng DSWD, o sa gobyernong Arroyo,” pagtatapos ni Labog.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=4681

Posted by on Oct 24 2009. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

No Comment for “DSWD, nag-iimbak ng relief goods para magamit ng administrasyon sa eleksiyon?”

  1. mike

    TAMA YANG GINAWA NYO…….MGA SAKIM SILA,,,,SANA SILA NA LANG UNG MAGHIRAP…..

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes