Gimik ni GMA sa Brgy. Tatalon

Para sa kamera: Si Pangulong Arroyo, nakikipag-usap sa mga residente ng Brgy. Tatalon na "hinakot" diumano niya para mag-evacuate sa Malakanyang. (PCPO)
Maulan at hindi pa ganap na humuhupa ang baha sa komunidad ng mga maralita sa Brgy. Tatalon, Quezon City, gabi noong Miyerkules, Setyembre 30. Sa isa sa itinalagang evacuation centers, ang Diosdado Macapagal Elementary School, naghahanda na sana para patulugin ni Mary Jane Bonghanoy ang kanyang tatlong maliliit na anak nang dumating ang isang pulutong ng malalaking kalalakihan, alas-siyete ng gabi.
Nagmasid-masid ang kalalakihan, pero hindi nakipag-usap kanino man. “Ni hindi nagbigay-abiso sa (barangay) kapitan,” sabi ni Mary Jane.
Halos dalawang oras ang lumipas, alas-nuwebe ng gabi. Tulog na ang marami sa daan-daang evacuees, samantalang may iilang kabataang palakad-lakad o tumatambay sa paligid ng eskuwelahan. Noong araw na ito, may ilang namigay na ng pagkain, pero kapos pa rin. Marami ang natulog na lamang na kumakalam ang sikmura.
Sa oras na ito, dumating ang pulutong ng mga sasakyan – magagara, madidilim. At, pagkatapos, ang mga bus.
Tumigil ang mga sasakyan sa paradahan ng eskuwelahan. Pagkababa na pagkababa ni Pangulong Arroyo sa isa sa mga sasakyan, agad na nagsitayuan din ang mga evacuees sa kani-kanilang hinihigaan. Nagsibabaan ang marami mula sa ikalawang palapag kung saan naroon ang ilang mga klasrum. Sa isip nila, tiyak mamimigay ng pagkain ang Pangulo.
Isa si Mary Jane sa mga tumayo para maki-usyoso. “Kumaway-kaway (si Arroyo),” alaala niyang nakita ang Pangulo. Pumasok umano sa bilding si Arroyo at ang mga kasamahan niya. Pati ang kapatid niyang si Rebecca, at ang mga anak nito, ay nagising.
Nagsilapitan na ang mga tao. Ang ilang mga nanay na miyembro ng progresibong mga organisasyon tulad ng Gabriela at Samahan ng Kababaihang Maralita (Samakana), nagsimulang sumigaw ng “Gloria, ibagsak!”, pero mistulang nalunod ang mga sigaw na ito sa pagdagsa ng mga taong lumapit sa naglalakad na Pangulo.
Isa sa mga sumigaw si Mary Jane, pero hindi na agad nakalapit kay Arroyo dahil sa nangharang na mga miyembro ng Presidential Security Group. “Ni magsalita man lang hindi niya ginawa,” sabi niya. “Ang hinihintay ng mga tao (na marinig) ay kung ano man lang ang tulong na maibibigay niya.”
Hindi na nakalapit si Mary Jane, pero ang kapatid niyang si Rebecca, nakalapit. Maya-maya, bumalik ang kapatid niya sa tulugan, inalerto ang mga anak, at nagsimulang magligpit ng kung anong gamit ang natira mula sa baha.
“Ang sabi raw, magbibigay ng lupa’t bahay, sa Cavite pa,” ani Mary Jane. Isa si Rebecca sa 103 indibidwal na nahikayat ng mga tauhan ni Arroyo na sumakay sa bus. Hindi nila agad alam na dadalhin sila sa Malakanyang.
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=4505














[...] Basahin ang artikulo hinggil dito. [...]
ano pa nga ba ang maaasahan mo sa babaeng yan at ng kanyang mga alagad? gawain talaga nila ang maghakot! dahil kahit kailan, wala naman talagang masang sumusuporta jan. napakamanhid at bastos at walang karespe-respeto talaga ang mga yan sa iba maging sa kanilang mga sarili!
Social comments and analytics for this post…
This post was mentioned on Twitter by pinoyweekly: Top Story: Hinggil sa ‘paghahakot’ ni GMA ng mga evacuees mula sa Brgy. Tatalon, Quezon Cirty http://bit.ly/8Flb6...