Pinoy Weekly

Mga Larawan: Tatlong maralitang komunidad sa Quezon City

[kml_flashembed movie="http://pinoyweekly.org/new/wp-content/slideshows/slideshow/slideshow.swf" height="400" width="455" base="." /]

Maralita ang mayorya sa daan-daan libong nabiktima ng bagyong Ondoy noong Setyembre 26. Sila iyong mga nakatira sa mga barung-barong sa mga laylayan ng lungsod, sa mga tabing-ilog at mabababang lugar. Mga tahanan nila ang pinakaunang winasak ng rumaragasang tubig, sa Marikina, sa Rizal, sa Quezon City, at iba pang nasalantang lugar sa Kamaynilaan at karatig na probinsiya.

Sila ang pinaka-bulnerable sa mga kalamidad. Walang gaanong kakayahang makapaghanda sa pagsapit ng bagyo, sila rin ang pinaka-nangangailangan ng ayuda mula sa pamahalaan. Pero malinaw na napakita nitong Setyembre 26 na walang ayudang dumating. Hanggang ngayon, sa napakalaking bilang nila, wala pa ring ayudang dumarating.

Kabilang ang Tatalon sa may Araneta Avenue, Water Hole sa may Commonwealth Avenue, at Loyola sa may Katipunan Avenue sa mga maralitang komunidad na nasa laylayan ng malalaking kalsada sa Quezon City na nasalanta ng bagyo. Matindi ang pangangailangan nila matapos salantahin ni Ondoy.

Sumama ang Pinoy Weekly sa pamumudmod ng Gabriela, militanteng organisasyong pangkababaihan, ng pansamantalang ayuda sa tatlong komunidad na ito. Nakita namin ang dati nang abang sitwasyon ng mga maralita. Pero nakita rin namin ang pagkakaisa ng maraming bilang ng mga residente rito para ayudahan ang sarili sa kabila ng kapabayaan ng mga nasa kapangyarihan.

Nakita rin namin ang napakalaking pagkakaiba ng relief operations ng iba’t ibang grupo — pati ng TV networks — at ng progresibong mga organisasyon. Sa huli, silang mga nasalanta at nabiktima ng bagyo ang mismong nangunguna sa pagbangon sa kanilang mga komunidad. Hindi eksternal na mga puwersa, mga pulitiko man o mga artista — ang mapagpasya sa sariling pagbangon, kundi ang sama-sama nilang pagkilos at paglaban.

Sa sakuna man, sa kahirapan, o sa pagsasamantala.

Basahin din ang balita:

Maralitang lungsod, nanawagan ng tulong

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=4294

avatar Posted by on Oct 2 2009. Filed under Features, Istorya ng Linggo, Photo Essays. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Pinoy Print Issues

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Log in | Designed by Gabfire themes