Paninindigan sa likod ng pagkalas

Masayang inanunsiyo nina Rep. Liza Maza (ikaapat mula sa kaliwa) at Rep. Satur Ocampo (ikalima mula kaliwa) ang kanilang pagtakbo sa halalan sa pagkasendor sa 2010. Kasama nina Maza at Ocampo ang mga lider at kinatawan ng iba't ibang progresibong partido. (KR Guda)
Sana’y sasama, sa unang pagkakataon, ang tinaguriang progresibong mga puwersa sa senatorial slate ng isang tradisyunal na partidong pampulitika. Pero sa halip, pinili ng mga kandidato sa pagkasenador na sina Satur Ocampo at Liza Maza na tumakbo bilang mga independiyente. Umano’y dahil ito sa paninindigan: ang bagay kung saan din sila unang nakilala bilang mga aktibista at kinatawan ng mga party-list.
Walang kompromiso
Sa isang press conference noong Nobyembre 24, pormal na inanunisyo nina Rep. Ocampo ng Bayan Muna at Rep. Maza ng Gabriela ang kanilang desisyong tanggihan ang pagiging panauhing kandidato ng Nacionalista Party (NP), na si Sen. Manuel Villar ang standard-bearer sa pagkapangulo. Inihayag ng dalawa na “hindi naging katanggap-tanggap” ang pakikipag-alyansa ng NP sa Kilusang Bagong Lipunan (KBL), partidong itinayo ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Anila, hindi nila maaaring makompromiso ang kanilang tindig hinggil sa paghahabol sa nakaw na yaman ng pamilyang Marcos at pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng batas militar.
“These are issues that are very important to us and require closure. It would be a grave injustice to the Filipino people to ignore or gloss over them for the sake of political expediency,” pahayag ng dalawa.
Pinormal ng NP at KBL ang kanilang alyansa noong nakaraang taon sa pamamagitan ng isang “Covenant of Alliance.” Inihayag noon ni Villar, kasama ang kandidato sa pagkasenador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi na dapat pag-usapan pa ang nakaraan at nanawagan na magpokus na lamang sa mga programang kontra-kahirapan.
Pero hindi nakasasapat para kina Ocampo at Maza ang simpleng pagkalimot sa nakaraan, dahil kasama umano sa kanilang plataporma ang good governance o maayos na pamamahala. “Kasama sa good governance ang accountability (o pananagutan). Accountability ni Gloria Arroyo ngayon para sa kanyang ginawang mga krimen laban sa taumbayan, at accountability noon (ni Marcos) dahil hanggang ngayon hindi pa nakakakuha ng hustisya ang mga biktima ng martial law. Walang kompromiso ang isyung ito,” sabi ni Maza.
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5112














Ang tunay na katuturan ng pagtataguyod ng “multi-party system” sa ilalim ng 1987 Konstitusyon ay hindi ang pagkakaroon ng maraming malalaking lapiang pare-pareho rin namang binubuo ng mga “trapo”. Kasama sa depinisyon nito ang pagbibigay-daan sa pagkakaroon ng mga pangkat na higit na maliliit subalit makapagbibigay sa taumbayan ng mga tunay na bago at alternatibang mga lider, porma, at plataporma.