Nagrampa ang mga kinatawan ng mga maralitang sektor, kasama ang mga propesyunal na modelo at lider-kababaihan, sa isang fashion show ng Gabriela na pinamagatalang "Project Runaway" sa Amoranto Stadium noong Hunyo 11. Nagsuot ang mga modelo ng mga damit na sumisimbolo sa mga suliranin ng sambayanang Pilipino at ang mga puwersa ng pagbabago ngayon. Ipinagdiwang din ng Gabriela ang tagumpay nito sa nakaraang halalang party-list. (KR Guda)
Bagong administrasyon, bagong pag-asa. Bagong Pilipinas pa nga, sabi ng iba. Matapos ang siyam na taong panunungkulan ng isang Pangulong kinamuhian ng mayorya ng mga mamamayan (at maraming survey na magpapatunay sa puntong ito), nakaluklok ngayon sa puwesto ang bagong Pangulong malinaw na may suporta ng mahigit 14 na milyong botante noong nakaraang halalan.
Hindi naging biro para sa masang Pilipino ang pinagdaanang kahirapan at panunupil sa loob ng siyam na taon ng isang pangulong sagad at lantaran ang korupsiyon, pandaraya, pasismo, at kasama ng mga kontra-mamamayang mga polisiya ay naglugmok ng bansa sa pinakamatitinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika.
Posible nga ba ang pre-programming ng PCOS machines at/o ng CF cards para pumabor sa isang kandidato noong nakaraang eleksiyon, tulad ng alegasyon ng impormante ni Prop. Jose Maria Sison? Dalawang eksperto sa IT ang nagpapatotoo.
Pinili nilang magpakasal sa pinakamainit na tag-init sa matagal na kasaysayan ng bansa. Ito ang panahong kapapaligo pa lamang, namumutiktik na ng pawis ang katawan habang nagbibihis. At matapos magbihis, parang nakapaligo na naman ang hitsura: basang-basa ang pangangatawan.