Balita

Mga larawan: Abogadong biktima ng Ampatuan massacre, pinarangalan

Labis ang pighati ng panganay na anak ni Atty. Connie Brizuela, isa sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan, sa burol ng abogado noong Nobyembre 29 sa Davao City. (Barry Ohaylan)

Labis ang pighati ni Sunshine, panganay na anak ni Atty. Concepcion "Connie" Brizuela, isa sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao, sa burol ng abogado noong Nobyembre 29 sa Davao City. (Barry Ohaylan)

Daan-daang katao ang dumalo sa libing ni Brizuela kinabukasan. Kilala si Brizuela, at si Atty. Cynthia Oquendo na kabilang din sa mga biktima ng masaker, bilang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Mga miyembro sila ng Union of People's Lawyers in Mindanao at National Union of People's Lawyers. (Barry Ohaylan)

Daan-daang katao ang dumalo sa libing ni Brizuela kinabukasan. Kilala sina Brizuela at Atty. Cynthia Oquendo, na kabilang din sa mga biktima ng masaker, bilang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Mga miyembro sila ng Union of People's Lawyers in Mindanao at National Union of People's Lawyers. (Barry Ohaylan)

Pinarangalan ng grupong Gabriela-Davao at UPLM si Atty. Brizuela. Magpapadala ng international mission ang International Associaton of Democratic Lawyers para irehistro ang protesta ang umano'y culture of impunity na nagdulot ng masaker sa Ampatuan, at kausapin ang gobyernong Arroyo at bar associations sa bansa. (Dr. Jean Lindo)

Pinarangalan ng grupong Gabriela-Davao at UPLM si Atty. Brizuela. Magpapadala ng international mission ang International Association of Democratic Lawyers para irehistro ang protesta ang umano'y culture of impunity na nagdulot ng masaker sa Ampatuan, at kausapin ang gobyernong Arroyo at bar associations sa bansa hinggil dito. (Dr. Jean Lindo)

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Mga Larawan: Katarungan, sigaw pa rin sa ika-3 buwang komemorasyon ng Ampatuan massacre
  2. Mga larawan: Kaanak ng biktima ng masaker sa Ampatuan, bumalik sa pinangyarihan ng krimen
  3. Mga Larawan: Hustisya sa mga biktima ng Ampatuan massacre, hiniling sa Araw ni Bonifacio
  4. Larawan: Mga kaanak ng biktima, tumungo ng Mendiola sa ikalimang buwan ng masaker sa Ampatuan
  5. Mga Larawan: Panawagang hustisya sa Ampatuan massacre buhay pa rin

Discussion

No comments for “Mga larawan: Abogadong biktima ng Ampatuan massacre, pinarangalan”

Post a comment

Opinyon

Alex Remollino: Makata mula sa Malayo

(1) Hindi kami personal na magkakilala ni Alexander Martin Remollino, makabayang manunulat at makata. Hindi ko alam, bagamat may ilang pagkakataong nagkasama kami sa pulong o aktibidad, hindi kami personal na naipakilala sa isa’t isa. Pero kilala ko siya, syempre, dahil nakikita ko ang pangalan niya sa mga tula at sanaysay na umiikot sa mga sirkulong aktibista. Tapos nakikita ko siya – matangkad, mahaba ang buhok, parang laging may gustong sabihin – sa maraming pagkakataon. Syempre pa, mataba siya noon. Nitong huli’y pumayat siya nang napakabilis. At dahil hindi naman ako taong mapanghusga, naisip ko lang na siguro’y nagdodroga siya. Iyun pala, iba na.

Read on