Pagsipat sa papalapit na halalan
Palapit na nang palapit ang halalang 2010. Kabi-kabila na ang paghahanda ng iba’t ibang partido politikal at mga indibiduwal na nais maging sunod na pangulo ng bansa. Ngunit sa pagkakataong ito, ano nga ba ang mananaig: rekurso’t personalidad pa rin ba o platapormang nakabatay sa kahilingan ng taumbayan?

Hindi rin nito nagamit ang mga nagdaang kalamidad upang ibenta ang sarili bilang matipunong tagapangulo ng National Disaster Coordinating Council. Sa halip, lalu lamang nalantad sa taumbayan ang kakulangan ng pamahalaan pag dating sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad.
Hindi naman pahuhuli sa karera ang dating pangulong si Joseph Estrada. Matapos bigyan ng presidential pardon, heto ngayon si Estrada, handa na muling tumakbo matapos patalsikin sa kapangyarihan di pa man nag-iinit mula sa pagkakaupo sa Malakanyang.
Nakabatay sa plataporma?
Noong namang nakaraang linggo, ipinahayag ni Francis Escudero, o Chiz, ang kanyang pasyang lisanin ang Nationalist People’s Coalition o NPC. Ayon kay Dr. Carol Pagaduan Araullo, hakbang ito upang mailayo nito ang sarili sa tagapangulo ng nabanggit na partido na siya ring nagmamay-ari ng malalaking negosyo sa bansa, si Danding Cojuangco.
Dagdag ni Araullo, namumukod-tangi ang pasya ng senador dahil pagtalikod ito sa “oportunismong politikal” na namamayani sa kampanya ng mga kandidato ng adminstrasyon, maging ng ilang mga taga-oposisyon. Ayon naman kay Rep. Roilo Golez ng Parañaque, mahirap sa isang kandidato ang ipanalo ang sarili na walang partido. Kaya naman maaari ding sabihin na matapang ang pasyang ito ni Escudero.
Naging sanhi naman ito ng samu’t saring mga ispekulasyon kung ano ang sunod na hakbang ng batang politiko. At ang nilisang partido, nag-iisip kung susuportahan pa rin nito si Escudero o hahanap ng ibang ipapares sa kandidato nito sa pagkabise na si Sen. Loren Legarda. Ayon kay Sen. Vicente Sotto, opsiyon din umano ng NPC ang makipagsanib-lakas sa ibang partido na katunggali nito.
Sa lahat ng tiyak at posibleng tatakbo sa pagkapangulo, tila isa si Escudero sa mga may malinaw na plataporma. Pinakamatining dito ay ang kanyang pagtindig laban sa kontraktuwalisasyon. Kategorikal din nitong ilinatag ang kanyang pagtutol sa batas kaugnay ng deregulasyon ng langis. Tutol din si Escudero sa pork barrel sa dahilang nahahawakan sa leeg ng Malakanyang ang mga kongresista dahil nasa diskresyon nito ang pagbibigay nitong “countryside development fund.”
May tindig din si Escudero kaugnay ng pagbibigay ng intergidad ng mga kawani ng pamahalaan. Kahit sa digmaan sa Mindanao, may tindig din ang senador. Aniya, isang “all out consultation” kasama ang mga kapatid nating Moro ang susi sa wagas na kapayapaan.
Hinimok naman ni Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino si Escudero na pagtuunan ng pansin ang “youth agenda” na naglalayong pangalagaan ang pambansang patrimonya, labanan ang katiwalian at tiyakin ang representasyon ng mga kabataan at karapatan ng mga ito sa edukasyon, empleyo, kalusugan atbp.
Ngunit hanggang sa kasalakuyan, wala pang depinidong tunguhin si Escudero kaugnay ng planong pagtakbo.
Katulad ni Escudero, may pangako rin si Sen. Manuel Villar ng Partido Nationalista sa kanyang plataporma na tila naaayon din sa mga kahilingan ng taumbayan. Isa na dito ay ang pagkiling nito sa interes ng overseas Filipino workers o OFW.
Ipinapangako din ni Villar ang pagresolba sa usapin ng politikal na pamamaslang na talamak sa ilalim ng adminstrasyong Arroyo.