Istorya ng Linggo

Pagsipat sa papalapit na halalan


Palapit na nang palapit ang halalang 2010. Kabi-kabila na ang paghahanda ng iba’t ibang partido politikal at mga indibiduwal na nais maging sunod na pangulo ng bansa. Ngunit sa pagkakataong ito, ano nga ba ang mananaig: rekurso’t personalidad pa rin ba o platapormang nakabatay sa kahilingan ng taumbayan?

Pagpili

Tambalang Noynoy Aquino at Mar Roxas: Kumakatawan sa pagbabago, o sa pananatili ng panlipunang kaayusan (status quo)? (Contributed Photo)
Tambalang Noynoy Aquino at Mar Roxas: Kumakatawan sa pagbabago, o sa pananatili ng panlipunang kaayusan (status quo)? (Contributed Photo)


Sa huli, nasa kamay ng taumbayan ang pagpapasya. Ang mga nalalabing sandali bago ang mismong halaan ay nagbibigay ng sapat na panahon para sa lahat na hanapan ang tatakbo sa pagkapangulo ng platapormang tutugon sa mga pangangailangan ng taumbayan. Gayundin, nagbibigay ito ng pagkakataong busisiin ang platapormang tila nagsisilbi sa interes ng nakararami upang tiyakin ang kaseguruhan nito.

Sa mahabang panahon ng pagboto, paghihintay ng resulta’t pamumuhay sa ilalim ng pamumuno ng administrasyong nailuklok, marami nang natutunan ang taumbayan.

At sa mahabang panahon na ito, alam nilang pagkakataon para sa makabuluhang pagbabago ang halalang 2010.