Pinoy Weekly

Batuhan ng putik

Villar, Estrada at Aquino: labasan ng baho -- totoo man o hindi -- ngayong eleksiyon.

Villar, Estrada at Aquino: labasan ng baho -- totoo man o hindi -- ngayong eleksiyon.

Hindi na bago sa halalan sa bansa ang “batuhan ng putik,” o paninira ng mga kandidato sa isa’t isa. Pero tila mas malupit at malaganap ang mudslinging sa kampanyang ito. At sa panahon ng internet, lalo lamang napadali ang pagpapalaganap ng tsismis at pagsasagawa ng mudslinging.

Malinaw ang dahilan ng pagpaparatang kay Sen. Manuel Villar na maka-Arroyo siya: dahil suklam na ang publiko sa kasalukuyang administrasyon. Ano man ang totoo sa mga akusasyon, malinaw na bahagi ng tradisyunal na pulitika ang ehersisyo ng mudslinging.

Ayon kay Prop. Bobby Tuazon ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG), “Isang mukha (ito) ng electoral fraud, in these sense that dirty work is being used to smear on the supposed credibility of candidates and certain political organizations. Ginagamit ang mudslinging para makakuha ng mga boto, kung paniniwalaan man na makakakuha ng boto ang mga krudong election maneuver tulad ng mudslinging.

Sa pag-aaral ni Tuazon, lumalabas na labis na ispekulatibo ang akusasyong sikretong kandidato ng kasalukuyang administrasyon si Villar.

Pero ang mas malupit, hindi umano maganda sa demokratikong proseso ng halalan ang penomenon ng mudslinging. “Tingin ko hindi nakakatulong ’yan sa election dahil it tends to draw the attention of the people more on personalities. Ang tendency nun, it tends to blur or even gloss over the more relevant election issues, such as performance, record, programs, positions on national issues such as land reform.

Binigay na halimbawa ni Tuazon ang tila marketing spin na “incorruptible” si Aquino. Hindi nakikita ng midya na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III pala ay pabor sa VFA (Visiting Forces Agreement). Di iyon nailalahad,” ani Tuazon.

Tila mayorya sa pinag-uusapan ngayon hinggil sa eleksiyon ay may kinalaman sa mga akusasyong ibinabato ng magkakalabang panig.

Tradisyunal na pulitika

Ipinaliwanag pa ni Tuazon na tanda na ng tradisyonal na pulitika ang mudslinging. Sa halip na mapag-usapan ang mga programa at tindig sa mga isyung pambayan, napag-uusapan ang bango o dungis ng mga personahe – malinaw na tanda ng personality politics, o pulitikang nakabatay sa personalidad ng mga pulitiko. “(It is) the way traditional elite conducts electoral camapaign: based not on issues and programs, but based on personalities, mudslinging and other fraudulent means.”

Dagdag pa ni Tuazon, kailangang magsagawa ang mga pulitiko ng personality politics dahil kapag napag-usapan ang mga plataporma, maaaring umasa ang mga botante na matutupad ang mga pangakong inilalahad ng mga kandidato sa kampanya. “But these are shallow promises that are not meant to be realized if they win after the elections,” aniya.

Malinaw umano ito sa kasaysayan. Kailangan lamang silipin ang mga ipinangako ni dating pangulong Corazon Aquino (ina ni Noynoy): kabilang sa ipinangako niya ang pagpapalayas sa mga tropang Kano sa ilalim ng mga kasunduang pagmantine ng baseng militar ng US sa Pilipinas. Nang naging pangulo si Aquino, siya pa ang nanguna sa paghiling sa Senado na manatili ang baseng militar ng Kano.

Ipinangako rin ng nakatatandang Aquino ang pamamahagi ng Hacienda Luisita sa mga manggagawang bukid na nagbubungkal ng lupa rito. Alam na natin kung ano ang nangyari sa Luisita nang kalaunan.

Duda si Tuazon na makakamit ang makabuluhang pagbabago sa ilalim ng administrasyong Villar o administrasyong (Noynoy) Aquino. Duda siyang kung pababayaan lamang ng publiko ang gobyernong Villar o Noynoy ay di nito pupursigihin ang pagtugis kay Arroyo.

Parehong ipinapangako ng dalawa ang pagtugis kay Arroyo kapag wala na ang huli sa kapangyarihan. “Dahil hindi naman talaga natutupad ang mga ipinapangako sa eleksiyon, nasa mga mamamayan na para maging mapagmatyag at hamunin ang susunod na pangulo na tupdin ang anumang pangakong inihayag niya noong halalan,” ani Tuazon.

Kabilang na umano rito ang pagpaparusa kay Arroyo.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7147

Posted by on Apr 26 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes