Mga Larawan: Eksena ng kalituhan sa botohan sa Quezon City

Mahabang pila ng mga botante sa Old Balara Academy, Quezon City. (Darius Galang)

Hanggang baba naman ang pila ng mga botante sa Justice Cecilia Munoz-Palma High School sa Payatas, Quezon City. (Darius Galang)

Nakatala naman sa chalkboard sa dulo ng pila ang clustered precints mula sa lumang numero ng mga presinto bago nagkaroon ng automated elections. (Darius Galang)

Hirap ang marami sa mga botante sa paghahanap ng kanilang mga pangalan sa opisyal na talaan ng mga botante. Maraming botante ang nagreklamong hindi nila nakita ang kanilang mga pangalan sa talaan. (Darius Galang)

Karaniwang problema sa Payatas ang pagkasira ng mga PCOS machines. May isang naiulat na sumabog na PCOS machine sa naturang lugar. (Darius Galang)

Ilan sa mapalad na mga botante na matagumpay na nakaboto sa Old Balara Academy sa Quezon City. (Darius Galang)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7374














[...] This post was mentioned on Twitter by pinoy weekly. pinoy weekly said: Mga Larawan: Eksena ng kalituhan sa botohan sa Quezon City http://bit.ly/8YObSR [...]