Malawakang disenfranchisement, problema sa PCOS machines

Napakahabang pila sa isang presinto sa Payatas, Quezon City. (Arkibong Bayan)
Sobrang bagal na proseso ng pagboto, pumapalpak na Precint Count Optical Scan (PCOS) machines, at malawakang disenfranchisement ng mga botante ang lumalabas na karaniwang mga problema na maaaring labis na makaapekto sa resulta ng halalan ngayong Mayo 10, 2010.
Ayon sa Workers’ Electoral Watch (WE Watch), isang poll watchdog group sa hanay ng mga manggagawa, lumalabas na may average na 250 botante pa lamang ang nakakaboto sa bawat presinto sa bansa. “At this rate, it is estimated that only 600 will be able to vote per clustered precint at the end of the day, out of the 1,000 voters expected per cluster. This scenario looms despite the Commission on Elections’ announcement that voting will be extended by an hour to 7 p.m.,” ayon sa WE Watch.
“At the rate the automated election is going, we fear that a significant portion of the total voting population will not be accomodated by polling precints when the clock strikes 7 p.m. We fear that massive disenfranchisement awaits hundreds of thousands of voters,” ayon kay Joselito Natividad, lead convenor ng WE-Watch.
Kung hindi magagawan ng paraan ng Comelec ang sirang mga makina o kaya pahabaan pa ang oras ng botohan lampas ng alas-siyete ng gabi, magkakaroon umano ng malawakang disenfranchisement, ayon pa kay Natividad.
Kabilang sa mga problemang nakalap ng ng Pinoy Weekly:
- Sa Taguig City, may mga residenteng nagsabing may mga tagasuporta ng isang lokal na pulitiko na pinupuwersa silang bumoto pabor sa naturang mga pulitiko. Pinagbawal din ng Board of Election Inspectors ang mga alagad ng midya sa polling centers. Sa Tinga High School sa Taguig, pumila ang mga tao magmula 6pm pero hapon na nang makaboto, kung nakaboto pa, dahil sa tagal ng proseso ng pagboto;
- Sa Sta Monica, Sta. Rita, Pampanga, may isang kapitan ng barangay na pinupuwersa ang mga botante na bumoto pabor kay Pang. Arroyo sa pagka-kongresista at Lilia Pineda sa pagka-gobernador. Sta. Monica ang barangay na pinagmula ng kandidato sa pagkasenador ng Makabayan at Nacionalista Party na si Rep. Satur Ocampo;
- Sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro, napag-alaman ng mga pollwatchers ng Katribu Partylist na may naka-shade na na botong partylist sa mga balota.
- Sa Payatas, ikinagulat ng mga botante na tatlong PCOS machines lamang ang nakatalaga sa buong Palma Elementary School. May ulat din na may sumabog na PCOS machine sa isa sa mga presinto sa Payatas C;
- Sa Santa Cruz, Manila, mahahabang pila, sirang mga PCOS machine at armadong nagbabantay sa eskuwela ang ilan sa pinroblema ng mga botante sa Arellano High School;|
- Sa Brgy. Gulod, Quezon City, 23 PCOS machines lamang ang dumating para sa 28 clustered precints. Pito sa 23 na makita ay sira, kung kaya may mga clustered precints na pinagsama-sama na lamang.
Ilan lamang ito sa mga ulat ng Pinoy Weekly na problema ng iba’t ibang presinto at polling places sa Metro Manila at iba pang lugar. Marami pang ulat ang pumapasok. Para sa karagdagang mga ulat, sundan ang Pinoy Weekly sa site na ito, gayundin sa Twitter at Facebook.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7371














[...] This post was mentioned on Twitter by Melai, Vincent Kelly Navea, hilway dato, Mikas Matsuzawa, pinoy weekly and others. pinoy weekly said: Balita: Malawakang disenfranchisement, problema sa PCOS machines http://bit.ly/bdyuVD [...]
i would like to know any contact information of the publisher of pinoy weekly japan edition. (e-mail or telephone number).