Pinoy Weekly

Maza at Ocampo kinilala si Aquino, itinulak ang pagpaparusa kay Arroyo

Binati nina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabriela Rep. Liza Maza si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa “malinaw na tagumpay” nito sa katatapos lamang na halalan.

Kahit hindi pa natatapos ang opisyal na bilangan ng mga boto, kinilala ng dalawang progresibong mambabatas si Aquino bilang susunod na pangulo ng bansa. Tumakbong senador sina Maza at Ocampo sa ilalim ng Nacionalista Party ni Sen. Manuel Villar. Nag-concede o tumanggap na ng pagkatalo si Villar kay Aquino.

Ayon kina Ocampo at Maza, dapat maging isa sa pangunahing prayoridad ng bagong administrasyong Aquino ang pagpaparusa kay Pangulong Arroyo.

“A top priority for immediate action is the prosecution of the despised outgoing president for crimes against the people,” anila sa isang pahayag sa website ng Koalisyong Makabayan.

Sinabi rin nilang patuloy nilang babantayan, kasama ng mga mamamayang Pilipino, ang pagtugon ni Aquino sa mahahalagang isyung bayan.

Kabilang dito ang isyu ng mababang sahod at kawalang seguridad sa trabaho, kawalan ng lupa at pagkaatrasado ng agrikultura sa bansa, usapang pangkapayapaan, kawalan ng batayang serbsiyong panlipunan, Value Added Tax, at korupsiyon sa gobyerno at lipunan.

“On our part, we will continue to stand by the people in closely watching how the new administration will address the aforementioned issues,” anila.

Sa pinakahuling unofficial tally ng GMA-7 sa resulta ng eleksiyon, lumalabas na nakakahuha si Maza ng 3,364,918 boto at nasa ika-25 na puwesto, kasunod si Ocampo na nakakuha naman ng 3,094,766 boto sa ika-26 na puwesto.

Batay ito sa halos 85 porsiyento ng mga election return sa buong bansa.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7400

Posted by on May 11 2010. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Maza at Ocampo kinilala si Aquino, itinulak ang pagpaparusa kay Arroyo”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Maza at Ocampo, kinilala si Aquino, itinulak ang pagpaparusa kay Arroyo http://bit.ly/aawhfj [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes