Pinoy Weekly

Paano bumoto?

1. Katulad sa manwal na halalan, magpakilala sa Board of Election Inspectors (BEI) sa presinto kung saan kayo nakarehistro. Ang oras ng pagboto ay mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

2. Matapos mapatunayan ang inyong pagkakakilanlan:

- Isusulat ng chairman ng BEI ang serial number ng balota sa Election Day Computerized Voters’ List (EDVCL)
- Pipirmahan ng botante ang balota at ang EDVCL
- Ipapasok ng BEI sa secrecy folder ang balota at ibibigay sa botante
- Tanging ang chairman ng BEI ang magbibigay ng balota

3. Gamitin ang marker, itiman o i-shade nang buo ang bilog na nasa tabi ng pangalan ng inyong mga napiling kandidato. Gagamit ng felt-tip pen sa pagmarka.

4. Ibabalik ng botante ang balota sa loob ng secrecy folder sa BEI upang iberipika ang pirma at serial number ng balota. Pupunitin ng BEI ang bahagi ng balota na may serial number. Ipapasok sa envelope ang pinunit na bahagi.

5. Isusubo ang naitimang balota sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) Machine. Kung walang problema sa balota, ito ay mahuhulog sa ballot box.

Tandaan sa pagboto gamit ang makina:

- Iwasang matupi o malukot ang balota
- Mag-ingat sa pag-shade. Hindi dapat lumagpas sa hugis oval na mamarkahan.
- Siguruhin sa pagpili ng kandidato. Hindi maaaring magkamali sa pag-shade.
- Huwag mag-overvote!
- Sa pag-feed ng balota sa PCOS, unahin ang mas maikling side nito.
- Sa pag-feed ng balota, kumpirmahin na nabasa nga ng makina ang iyong balota.

Mula sa: Computer Professionals Union

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6089

Posted by on May 5 2010. Filed under Uncategorized. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes