Pinoy Weekly

Panahon ng pananagutan ng Comelec at Smartmatic

Milyun-milyong botante na na-disenfranchise ang isa sa pangunahing kailangan panagutan ng Comelec, ayon sa CenPeg. (Kuha ni Rogelio Tubije sa Rizal Hisgh School sa Tondo, Maynila)

Milyun-milyong botante na na-disenfranchise ang isa sa pangunahing kailangan panagutan ng Comelec, ayon sa CenPeg. (Kuha ni Rogelio Tubije sa Rizal High School sa Tondo, Maynila)

‘Tanggap ‘man ng publiko sa pangkahalatan ang naging resulta, hindi ito nangangahulugang naging malinis at kapani-paniwala ang kondukta ng unang automated na halalan sa bansa, ayon sa mga grupong electoral watchdog na ngayo’y nananawagan ng isang indipendiyenteng audit sa halalan.

Ayon sa Center for People’s Governance and Empowerment (CenPeg) at grupong Pagbabago!, maraming mga kuwestiyon na kailangang sagutin at mga kapalpakan na kailangan panagutan ang Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic.

“Bilang mga social scientist, hindi namin maaaring basta na lamang tanggapin ang isang hatol nang walang sapat na batayan, na payagang matigil ang aming pagbabantay dahil lamang sa hungkag na retorika ng Comelec at Smartmatic na dapat ‘pagkatiwalaan ang makina’,” pahayag ng CenPeg.

Sa pagtantiya ng grupo, nasa 70 porsiyento lamang ng mga rehistradong botante o 35.3 milyong Pilipino ang nakaboto dahil sa samu’t saring aberya noong Mayo 10. Ang mga aberyang ito—gaya ng kawalan ng kaayusan sa mga presinto, pagkasira ng mga makina, naantala o bigong transmission at canvassing—ang umano’y nagbukas sa posibilidad ng dayaan.

Uumpisahan na rin ng House Committee on Electoral Reforms and Suffrage ngayong araw ang pag-imbestiga sa nasabing mga aberya at posibleng dayaan.

Kredibilidad, kailangan pang patunayan

Sa press conference ng CenPeg noong Mayo 17 hinggil sa kanilang pagtatasa sa halalan, inihayag nilang malayo ito sa ibinibidang ‘tagumpay’ ng gobyerno at iba pang tagamasid.

Unang-una, hindi mapanatag ang loob ng grupo sa nabigong Final Sealing at Testing (FTS) ng mga PCOS noong Mayo 3, na nagresulta sa pagbawi at pag-reconfigure ng libu-libong compact flash cards sa buong bansa. Duda silang nakapagsagawa ng FTS bago ang Mayo 10 sa lahat ng 76,420 na presinto.

Mapagtitiwalaan lang umano ang resulta ng halalan mula sa mga PCOS at CF card na dumaan sa Final Testing and Sealing, na hindi inihahayag ng Comelec kung naisagawa matapos ang palpak na FTS noong Mayo 3. (Kuha ni Trina Federis sa San Fernando, Pampanga)

Mapagtitiwalaan lang umano ang resulta ng halalan mula sa mga PCOS at CF card na dumaan sa Final Testing and Sealing, na hindi inihahayag ng Comelec kung naisagawa matapos ang palpak na FTS noong Mayo 3. (Kuha ni Trina Federis sa munisipyo ng San Fernando, Pampanga)

Halimbawa, sa Balacson Central School sa bayan ng Kawayan, Biliran, Leyte, naiulat na alas-singko na ng hapon noong Mayo 9 dumating ang reconfigured na CF cards kaya’t hindi na nakapagsagawa ang Board of Election Inspectors (BEI) ng FTS.

Ayon kay Dr. Pablo Manalastas, information technology analyst ng CenPeg, “Kailangang mapatunayan ng Comelec na ginamit lamang nito sa pagbibilang ang mga election return (ER) mula sa mga presintong gumamit ng CF cards na nakapasa sa FTS. Sa mga ito lamang natin masasabing tama ang resulta ng halalan.”

Nais din ng CenPeg na ihayag ng Comelec kung gaano kalawak ang mga insidente ng pagkasira ng mga makinang Precinct Count Optical Scan (PCOS) at CF cards noong araw ng halalan. Nauna nang inihayag ng Smartmatic na may mahigit sa 400 PCOS ang nasira sa buong bansa, na may mahigit 300 ang napalitan.

Pero ayon sa grupo, maaaring mas malaki pa ang aktuwal na bilang ng nasirang mga PCOS. Sa kanilang pagbabantay, lumalabas na 67 PCOS sa mga probinsya pa lamang ng Cebu at Bohol ang nasira. Nagdulot ito ng pagkainip at kabiguang makaboto ng marami. Sa rehiyon ng Gitna at Silangang Bisaya, tinatayang umabot sa lima hanggang anim na oras bago makaboto ang karaniwang botante; ang iba’y naghintay ng hanggang siyam na oras.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7508

Posted by on May 19 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

3 Comments for “Panahon ng pananagutan ng Comelec at Smartmatic”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by alaysa escandor, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Panahon ng pananagutan ng Comelec at Smartmatic http://bit.ly/bcbLTZ [...]

  2. Ms. Sandra

    Para sa akin dapat ng mag-move on
    ang mga Pilipino.. Kaya tayo paurong.. pati automation kini-Question..
    Hindi ba parang nakakatawa tayo.. Hindi ako kampi sa Comelec at lalong
    hindi din sa Smartmatic. Banyaga
    ang Smartmatic at negosyante, bakit
    naman nila dadayain ang eleksyon ng bansa natin. At ano naman mapapala nila kung masisira ang
    kredebilidad nila sa sinasabing
    dayaan..
    Kung lahat na lang
    ng bagay ay kukuwestiyunin natin
    at pagdududahan.. Eh kahit anong
    ilagay sa atin, wala at wala pa din..
    Para sa akin, tapos na ang bilangan.. Machine iyon.. at imposibleng madiktahan katulad ng tao.. Ako mismo ay isang programmer
    sa isang pribadong kompanya, kaya’t naniniwalang malabo ang
    mga haka-hakang dayaan.. Kung
    gagawing mano-mano ang bilangan..
    hindi kaya talagang masasabing
    paurong tayo?? Pilit uulitin ang
    mga bagay na tapos na? Paano kung
    tama ang bilang ng PCOS, de parang
    nagsayang lang tayo ng oras at
    pera at tao.. Hayyzzzz.. Sana
    mag-isip isip tayong Pilipino..
    Kaya hindi tayo sumusulong.. kc..
    puro dudahan.. kuwestiyunan..
    dapat ang mga talunan ay hindi na
    dapat patulan pa.. dahil nag-iingay
    lang mga yan!!

  3. lam mo ms sandra.. at least yang mga taong yan may p[inag lalaban para sa katotohanan.. kahet pala na niloloko ka ng mga yun eh ok lang pala sayo?… my gudness… mag icp ka nga dyan…. do you really know what you are talking about? are you familiar with the illuminati.. hayz naku… gusto mo ibenta ang pilipinas sa mga yan.. ikaw lang.. kme di papayag… coz we want the truth and nothing but the truth.

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes