Panahon ng pananagutan ng Comelec at Smartmatic

Bukas na bukas at nakikita ng ibang botante ang pagboto sa presinto sa Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City. Puna ng PIOM, dapat mahigpit na pinangalagaan ang pagiging lihim ng boto. (Soliman A. Santos)
Kinuwestiyon din ng CenPeg ang naitalang malawakang pagkaantala at kabiguan sa transmission. Halimbawa, hindi umano makapagpadala ng resulta ang 41 sa 59 presinto sa Bauang, La Union, kaya’t napilitan ang mga BEI na manwal na dalhin sa munisipyo ang CF cards at naka-print na mga ER. Ang buong Kanlurang Samar, noong Mayo 14 lamang nakapagpadala ng mga resulta, ayon pa sa grupo.
Hindi pagiging bukas
Sinabi ng CenPeg na hindi naging transparent o bukas ang Comelec kung saang mga lugar nagmumula ang inisyal na mga resulta ng halalan na inilalathala nito sa kanilang website.
Isa pang paraan din ng pagberipika kung naging tama ang resulta ng halalan ang random manual audit (RMA) na nakasaad sa ilalim ng Automated Election Systems Act. Bumuo ang Comelec ng 1,145 pangkat para sa RMA na isasagawa sa parehong bilang ng mga presinto.
Pero hinaing ng CenPeg, hanggang ngayon ay hindi pa isinasapubliko ng Comelec ang mga naging resulta ng RMA, maliban sa pangkalahatang mga pahayag na naging konsistent ito sa elektronikong mga resulta. Ibinulgar pa ng grupo na sa kanilang panayam sa mga opisyal ng Comelec sa Pampanga, kung saan isinagawa ang RMA sa 20 presinto sa 12 bayan, inamin mismo ng mga opisyal na hindi rin nila alam ang naging mga resulta nito.
Ang ilan pa sa umano’y dapat na ipaliwanag ng Comelec ang hindi paggamit sa UV lamps na binili ng gobyerno sa halagang P30-Milyon. Ginamit dapat ang UV lamps para maberipika ng BEI kung tunay ang mga balotang ibinibigay nito sa mga botante. Mahigit 80,000 UV lamps ang binili ng gobyerno mula sa Smartmatic.

Hindi isinasapubliko ng Comelec ang mga resulta ng random manual audit na magbeberipika kung nagtutugma ang aktuwal na mga boto sa resultang lumabas sa makina. (Kuha ni Ilang-Ilang Quijano sa Western Bicutan High School sa Taguig City)
Obligasyong ilabas ang mga dokumento
Samantala, naglabas ng mga rekomendasyon ang People’s International Observers Mission (PIOM), grupo ng 86 foreign observers, na maaaring sundin ng gobyerno para masiguro ang mas mapayapa at malinis na halalan.
Nauna nang inihayag ng mga dayuhan na naging saksi sila sa iba’t ibang tradisyunal na porma ng pandaraya, gaya ng pamimili ng boto, panghaharas ng mga botante, at karahasan. Nagmasid ang mga dayuhan sa mga presinto sa Hilaga at Gitnang Luzon, Timog Katagalugan, Bikol, Kanlurang Bisaya, Caraga, Davao City, at Autonomous Region for Muslim Mindanao.
Mas malawak na kampanyang voter’s education, mas maayos na proseso sa pagboto, paraan para maberipika ng mga botante ang pagtala ng makina sa kanilang boto, kumpleto at bukas sa RMA, pagsasapubliko sa Comelec website ng resulta mula sa kada presinto, at pagtanggal sa clustering ng mga presinto ang ilan sa mga iminungkahi ng PIOM.
Samantala, nanawagan ang CenPeg at Pagbabago! sa Kongreso na obligahin ang Comelec at Smartmatic na ilabas ang lahat ng mga dokumento, elektroniko at hard copy, na umano’y tanging magbibigay-daan sa indipendiyenteng pagtatasa sa automated na halalan.
Kamakailan, lumantad ang isang di-nagpakilalang whistleblower na nagsabing minanipula ang mga resulta ng halalan; samantalang ibinulgar nina Atty. Melchor Magdamo, dating istap ni Comelec chairman Jose Melo, at Dr. Arwin Serrano ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting na mayroong P21-Bilyong halaga ng maanomalyang transaksiyon ang Comelec. Kabilang din ito sa iimbestigahan ng Kongreso.
Ayon kay House Espiker Prospero Nograles, kailangan munang masiguro na tunay ngang naging malinis at kapani-paniwala ang halalan, bago mabayaran nang buo ang Smartmatic, na may kokolektahin pang 20 hanggang 30 porsiyento sa P7.2-B kontrata sa Comelec.
Sang-ayon dito si Prop. Rolando Tolentino, convenor ng Pagbabago!. “Sadya man o hindi ng Comelec at Smartmatic ang mga aberya, kailangan nilang magpaliwanag at managot sa taumbayan,” aniya.
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7508














[...] This post was mentioned on Twitter by alaysa escandor, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Panahon ng pananagutan ng Comelec at Smartmatic http://bit.ly/bcbLTZ [...]
Para sa akin dapat ng mag-move on
ang mga Pilipino.. Kaya tayo paurong.. pati automation kini-Question..
Hindi ba parang nakakatawa tayo.. Hindi ako kampi sa Comelec at lalong
hindi din sa Smartmatic. Banyaga
ang Smartmatic at negosyante, bakit
naman nila dadayain ang eleksyon ng bansa natin. At ano naman mapapala nila kung masisira ang
kredebilidad nila sa sinasabing
dayaan..
Kung lahat na lang
ng bagay ay kukuwestiyunin natin
at pagdududahan.. Eh kahit anong
ilagay sa atin, wala at wala pa din..
Para sa akin, tapos na ang bilangan.. Machine iyon.. at imposibleng madiktahan katulad ng tao.. Ako mismo ay isang programmer
sa isang pribadong kompanya, kaya’t naniniwalang malabo ang
mga haka-hakang dayaan.. Kung
gagawing mano-mano ang bilangan..
hindi kaya talagang masasabing
paurong tayo?? Pilit uulitin ang
mga bagay na tapos na? Paano kung
tama ang bilang ng PCOS, de parang
nagsayang lang tayo ng oras at
pera at tao.. Hayyzzzz.. Sana
mag-isip isip tayong Pilipino..
Kaya hindi tayo sumusulong.. kc..
puro dudahan.. kuwestiyunan..
dapat ang mga talunan ay hindi na
dapat patulan pa.. dahil nag-iingay
lang mga yan!!
lam mo ms sandra.. at least yang mga taong yan may p[inag lalaban para sa katotohanan.. kahet pala na niloloko ka ng mga yun eh ok lang pala sayo?… my gudness… mag icp ka nga dyan…. do you really know what you are talking about? are you familiar with the illuminati.. hayz naku… gusto mo ibenta ang pilipinas sa mga yan.. ikaw lang.. kme di papayag… coz we want the truth and nothing but the truth.