Pinoy Weekly

Matagal na pagboto, palpak na makina naitala ng grupong watchdog

Mga delay sa pagbubukas ng mga presinto at nasisirang Precint Count Optical Scans (PCOS) machines ang ilan sa pinaka-karaniwang problema sa pagbubukas ng botohan ngayong Mayo 10, ayon sa grupong poll watchdog na Workers’ Electoral Watch (WE-Watch).

Kabilang sa mga namonitor ng WE-Watch ang umuusok na mga PCOS machines, tulad ng nangyari sa Precint 2590A sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City. Napuwersa ang mga botante na umalis sa lugar, matapos magbukas ang presinto, ayon sa grupo.

Hindi naman gumagana ang mga makina sa P. Felix Elementary School in Cainta, Rizal at sa Rosario, Cavite.

Sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, sinabihan ang mga botante na umalis matapos i-reject ng PCOS machine ang boto ng mga botante.
Sa Davao del Norte, naman, natigil pansamantala ang pagboto nang mawala ang kuryente mula 8:44 hanggang 9:05 am. Walang baterya ang PCOS machine kaya hindi mapagana habang brownout.

Hindi naman nagbukas ng 7 ng umaga ang mga presinto sa Marikina Heights, Marikina City; Planters Elementary School sa Cainta, Rizal; Mangahan Elementary School sa Subic, Zambales; at Lapu-Lapu City, Cebu.

Inireklamo naman ng mga botante sa Novaliches Elementary School sa Quezon Cityang kanilang nawawalang mga pangalan sa Precint Computerized Voters’ List (PCVL).

Minomonitor ng WE-Watch ang 12 susing lungsod sa buong bansa at nagpapadala ng live tweets sa pamamagitan ng Twitter account nito (workerswatch).

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7362

Posted by on May 10 2010. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Matagal na pagboto, palpak na makina naitala ng grupong watchdog”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by perry calara and janvic mateo, pinoy weekly. pinoy weekly said: Balita: Matagal na pagboto, palpak na makina naitala ng grupong watchdog http://bit.ly/dC8yNf [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes