Pinoy Weekly

Mga Larawan: Parada kontra sa pamana ni Arroyo, idinaos

caption

"Huwad na Kalayaan" ang mensahe ng iba't ibang progresibong grupo na nagdaos ng parada noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan. Alternatibo ito sa P10-Milyong parada ni Pangulong Arroyo para ipagmalaki ang umano'y mga nakamit ng kanyang administrasyon. Mula sa US embassy, kung saan sinunog ng mga grupo ang watawat ng Estados Unidos bilang simbolo ng neo-kolonyal na relasyon nito sa bansa, nagtungo silang Mendiola. (King Catoy)

caption

Bitbit ng mga lider ang mga plakard at streamer kung saan nakasaad ang adyenda ng taumbayan kay president-elect Benigno "Noynoy" Aquino III. Pangunahin dito ang pagpapanagot kay Arroyo sa kanyang mga krimen. (King Catoy)

caption

Ayon sa Kilusang Mayo Uno, kabilang din sa mga krimen ni Arroyo ang pagpako sa sahod, malawakang tanggalan at kontraktuwalisasyon, at ekstra-hudisyal na pamamaslang sa mga manggagawa.

caption

Sa "float" na ito ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), isinasalarawan ang kahirapan ng milyun-milyong pamilyang Pilipino. Tanda umano ito ng pagiging hungkag ng "magandang ekonomiyang" ipinagmamalaki ni Arroyo. (King Catoy)

caption

Ginamit ng mga kabataan ang pagkakataon para iparating ang malalala ring problema ng edukasyon. (King Catoy)

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7749

Posted by on Jun 13 2010. Filed under Balita, Multimedia. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

2 Comments for “Mga Larawan: Parada kontra sa pamana ni Arroyo, idinaos”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by Orosa Punsalang, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Mga Larawan: Parada kontra sa pamana ni Arroyo, idinaos http://bit.ly/aBakCK [...]

  2. Greg Refraccion

    ..ok ang pinoyweekly nyo…you have a very comprehensive coverage… mas ok sana kung meron din kaUng community news… so far ok ang weekly pinoy online…keep it up

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes