Balita

3 magsasaka, pinaslang sa Timog Katagalugan

Tatlong magsasakang miyembro ng isang progresibong party-list ang pinatay noong Hulyo 19 sa Rodriguez, Rizal, ayon sa ulat ng Karapatan-Southern Tagalog.

Sa isang paghayag, sinabi ni Glen Malabanan, pangkalahatang kalihim sa Karapatan-ST, biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sina Galvan Navarte, Demilita Largo at Benita San Jose. Miyembro ang tatlo ng Katribu Party-list, organisasyon ng mga magsasaka ang katutubo.

Ayon sa inisyal na ulat ni Chief Supt. Rolando Añonuevo, direktor ng Police Regional Office 4-A, nakasakay sa motorsiklo ang tatlo nang paputukan ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Agad namatay ang mga biktima sa mga tama ng baril.

“The despised Arroyo regime is no more yet human rights violations and extra judicial killings continues,” sabi ni Malabanan.

Hamon ng grupong Karapatan kay Pangulong Aquino, bigyang hustisya ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. (Contributed Photo)

Hamon ng grupong Karapatan kay Pangulong Aquino, bigyang hustisya ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. (Contributed Photo)

Ilang linggo bago ang insidente, pinaslang din ang mga aktibista na sina Mark Francisco ng ACT Teachers Party-list sa Masbate; Fernando Baldomero ng Bayan Muna Party-list sa Aklan, at Pascual Guevarra ng Anakpawis Party-list sa Nueva Ecija, ang unang tatlong kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Samantala, sa isang press conference ngayong araw, nanawagan ang Karapatan kay Pangulong Aquino na panagutin si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo at iba pang responsable para sa mga paglabag sa karapatang pantao simula 2001.

“P-Noy should not mince words on the issue of human rights. If his SONA (State of the Nation Address) will be straightforward and he will talk about resolutions and plans, we demand a concrete answer. Shall he prosecute GMA or not? Can the victims be assured of justice?” sabi ni Marie Hilao Enriquez, tagapangulo ng Karapatan.

Nanawagan din ang grupo kay Aquino na itigil ang programang kontra-insurhensiya na Oplan Bantay Laya na tinuturong responsable sa mga paglabag sa karapatang pantao laban sa di-armadong mga sibilyang tinaguriang “kaaway ng estado.”

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Manggagawa pinatay, magsasaka pinalayas sa Timog Katagalugan
  2. 78 anyos na magsasaka, ikalawang aktibistang pinaslang
  3. Balita: Pamamaslang ginunita ng mga aktibista ng Timog Katagalugan ngayong Undas
  4. Pari sa Hilagang Samar, pinaslang
  5. Balita: Hustisya para sa pinaslang sa lider-magsasaka sa Negros Oriental, ipinanawagan

Discussion

One comment for “3 magsasaka, pinaslang sa Timog Katagalugan”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by makabayan coalition, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: 3 magsasaka, pinasalang sa Timog Katagalugan http://bit.ly/dg2mCv [...]

    Posted by Tweets that mention Bago sa PW Online: 3 magsasaka, pinasalang sa Timog Katagalugan -- Topsy.com | July 24, 2010, 11:53 am

Post a comment

Opinyon

Alex Remollino: Makata mula sa Malayo

(1) Hindi kami personal na magkakilala ni Alexander Martin Remollino, makabayang manunulat at makata. Hindi ko alam, bagamat may ilang pagkakataong nagkasama kami sa pulong o aktibidad, hindi kami personal na naipakilala sa isa’t isa. Pero kilala ko siya, syempre, dahil nakikita ko ang pangalan niya sa mga tula at sanaysay na umiikot sa mga sirkulong aktibista. Tapos nakikita ko siya – matangkad, mahaba ang buhok, parang laging may gustong sabihin – sa maraming pagkakataon. Syempre pa, mataba siya noon. Nitong huli’y pumayat siya nang napakabilis. At dahil hindi naman ako taong mapanghusga, naisip ko lang na siguro’y nagdodroga siya. Iyun pala, iba na.

Read on