Pinoy Weekly

Ika-25 anibersaryo ng KMP, ginunita

Pinarangalan ng Kilusang Magbubukid ang mga lider magsasaka na nagtatag sa organisasyon noong Hulyo 1985. (Macky Macaspac)

Pinarangalan ng Kilusang Magbubukid ang mga lider magsasaka na nagtatag sa organisasyon noong Hulyo 1985. (Macky Macaspac)

Sa gitna ng malakas na ulan at paghahanda para sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ginunita noong Hulyo 24 ang ika-25 anibersaryo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang pinakamalawak na pambansang organisasyon ng mga magsasaka.

Pansamantalang itinigil ng mga magsasaka ang kanilang hunger strike sa kampuhan sa harap ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City para sa nasabing pagdiriwang. Isinagawa hunger strike ng mga magsasaka, kabilang ang mga taga-Hacienda Luisita, simula noong inaugurasyon ni Aquino para igiit ang panawagang tunay na reporma sa lupa.

Tampok sa anibersaryo ng KMP ang mga pangkulturang pagtatanghal hinggil sa ipinaglalabang tunay na reporma sa lupa. (Macky Macaspac)

Tampok sa anibersaryo ng KMP ang mga pangkulturang pagtatanghal hinggil sa ipinaglalabang tunay na reporma sa lupa. (Macky Macaspac)

Lumahok sa anibersaryo ng KMP ang Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon, Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan, at iba pang mga organisasyon ng magbubukid mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa programa, pinarangalan ang mga lider-magsasaka mula sa iba’t ibang panig ng bansa na bumuo at nagsilbi sa mga adhikain ng KMP sa loob ng 25 taon, gaya nina Primo Guarin, Juliu Palo, Mike Calinag, Romy Villaflor.

“Tulad ng lubid ng abaka, ang ating pagkakaisa ay hindi magagapi ng anumang pagsasamantala,” sabi ni Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng KMP, sa kanyang talumpati.

Nakiisa rin sa nagdiriwang na mga magsasaka si Bishop Deogracias Iniquez at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.

Nagbigay rin ng mga mensahe ng pakikiisa ang iba pang mga organisasyon gaya ng Kilusang Mayo Uno, Bagong Alyansang Makabayan, International League of People’s Struggles, Asian Peasant Women Network at Asian Peasant Coalition.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8384

Posted by on Jul 25 2010. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes