Mga Larawan: ‘Perya Pinas’ na protesta sa unang SONA ni PNoy

Aabot sa 10,000 katao ang nagmartsa sa Commonwealth Avenue para ihayag ang "Adyenda ng Bayan" kaalinsabay ng unang State of the Nation Address ni Pang. Benigno "Noynoy" Aquino III. (Soliman A. Santos)

"Tuwid na daan" ang bitbit ng mga taong-simbahan ng Promotion for Church People's Response o PCPR. Pero ang tuwid na daan para sa kanila, pagtugon sa hinaing ng mga mamamayan, tulad ng pagpapanagot kay Gloria Arroyo, pagbasura sa mga polisiyang neoliberal, pagtupad sa repormang agraryo, at iba pang hangad ng bayan. (Ilang-Ilang Quijano)

Tunay na pagbabago, hindi lamang pagpapalit ng mga nakaupo, ang hangad ng mga mamamayan. (Macky Macaspac)

Tatlong karatula ng isang bata: Panawagang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa Hacienda Yulo, pagtigil sa militarisasyon at reaksiyon sa talumpati ni Sen. Noynoy Aquino. (Darius Galang)
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8411














