
Isa sa pinakaunang rumampa papasok ng Session Hall ng Batasan Pambansa si Jose "Peping" Cojuangco Jr., tiyuhin ni Pang. Noynoy Aquino at tinaguriang bahagi ng "Kamag-anak Inc." noong panahon ng yumaong pangulong Cory Aquino. (Boy Bagwis)

Rumampa rin ang sanay na sa rampa: si Rep. Lucy Torres-Gomez at ang kanyang chief-of-staff at asawa, si Richard Gomez. (Boy Bagwis)

Rumampa rin papasok ng Session Hall ang militanteng mga kongresista, kabilang si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, na nagkabit ng panawagang dagdag-sahod sa mga manggagawa sa kanyang barong. (Boy Bagwis)

Kapayapaan sa Mindanao at pagbasura sa Visiting Forces Agreement ang mensahe ng pamaypay ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. (Boy Bagwis)

Nangako si Pang. Aquino na may "pasabog" siyang ipapahayag sa kanyang unang State of the Nation Address, ngunit para sa mga militante, kulang at pagpapatuloy lamang ng neoliberal na mga polisiya ang laman ng talumpati ng bagong pangulo. (Boy Bagwis)
Related posts:
ang ganda tlaga ng sona ni pnoy..sana maahon niya ang bansang pilipinas