Pinoy Weekly
Archive for: August, 2010

Jason Abalos, sa piling ng kanyang ina noong National Heroes Day

Ngayon pa lang ay pinatutunayan ni Jason Abalos na malaki at katangi-tangi ang ginagampanang papel ng isang magulang sa kanyang anak. Alam ba ninyo na nag-iisa lang anak na lalaki si Jason sa apat na magkakapatid? Si Jason Abalos na sikat na sikat at kasama sa nagtatapos ngayong linggong itong “Agua Bendita” ng ABS-CBN? Si [...]

Magsasakang desaparecido ipinanawagang ilitaw

Nanawagan noong Agosto 30, Pandaigdigang Araw ng Desaparecidos, ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Tanggol Magsasaka kay Pangulong Aquino na ilitaw ang mga lider-magsasaka at aktibistang biktima ng sapilitang pagkawala tulad nina Nilo Arado, Jonas Burgos, Ronald Intal at Manuel Merino. Ang mga biktima ay dinukot ng pinaghihinalaang elemento ng Armed Forces of the [...]

Tinanggal nang labag sa batas ngunit hindi pa rin pinapabalik sa trabaho

Pinag-uusapan pa rin ngayon ang insidente noong nakaraang linggo kung saan isang tanggal na opisyal ng pulis sa Maynila ay nang-hostage ng isang bus na urista. Ang kanyang kahilingan: ibalik siya sa trabaho. May kaso pala siya sa tanggapan ng Ombudsman at natalo siya sa kanyang kaso kung kaya siya tinanggal sa kanyang trabaho. Upang pansinin ng mga awtoridad ang kanyang mapait na kalagayan, nang –hostage siya ng mga turista.

Mga Larawan: Tuloy ang paghahanap sa mga nawawala

Bago na ang nanunungkulan sa Malakanyang, pero patuloy pa rin ang paghahanap nila. Mga anak, magulang, kapatid, kamag-anak: muli silang nagmartsa — tulad ng pagmartsa nila noong nakaraang mga taon — noong Agosto 30, International Day of the Desaparecido, para hilingin sa gobyerno na ilitaw na ang kanilang mga mahal sa buhay. Buhay man o patay. At singilin ang mga salarin.

Larawan: Judilyn Oliveros ng Morong 43, sanggol ibinalik na sa PGH

Nakakordon pa rin ang mga bantay na pulis sa mag-inang si Judilyn Oliveros at sanggol habang ibinabalik sa Philippine General Hospital sa Manila matapos payagan ng korte sa Morong, Rizal ang tatlong buwang hospital arrest sa mag-ina. Nanganak si Judilyn sa PGH noong Hunyo. Apat na buwan siyang buntis nang dukutin at ikulong ng mga militar kasama ang 43 manggagawang pangkalusugan sa Morong, Rizal habang nagsasanay-medikal. (Macky Macaspac)

Potograpiya at adbokasiya

Mahalaga para sa isang documentary photographer na magkaroon ng isang “point of view” o pananaw sa lipunan na siyang magiging tuntungan ng sining—at adbokasiya.

Pinoy at Tsino sa HK, nagkakaisa sa paghangad ng hustisya

Sa gitna ng tumitinding galit ng mga residente ng Hong Kong sa gobyerno ng Pilipinas, ipinakita ng mga migranteng Pinoy sa HK na kaisa sila sa pagdadalamhati at paghangad ng hustisya. Nagkakaisa rin sila sa pagkondena sa ‘palpak’ na administrasyong Aquino.

Aktibista sa Samar, ika-anim na biktima ng pampulitikang pamamaslang sa ilalim ng administrasyong Aquino

Isa na namang miyembro ng militanteng organisasyon ang pinaslang, hindi pa man nareresolbahan ang mga naunang kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

Larawan: Para sa Anakbayan, ‘paaralan ang lansangan’

Nagmistulang klasrum ang paanan ng Mendiola Bridge sa Manila nang magdaos ang militanteng grupong pangkabataan na Anakbayan ng isang teach-in na dinaluhan ng mga miyembro nito. Nais ulitin ng Anakbayan ang karanasan ng mga kabataang aktibista noong First Quarter Storm of 1970, nang magmistulang klasrum din para sa laksa-laksang aktibista ang lansangan. Nagtalakay si Lengue de Guzman ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan ng mga isyu ngayon ng mga mamamayang Pilipino. Naging tagapagsalita rin si Roger Soluta ng Kilusang Mayo Uno. (Jeffrey Ocampo)

Pagpuna bilang pagtatanggol sa midya

Sige, punahin natin ang midya. Pero dapat pa rin nating ipagtanggol ito. Ang pagpuna ay hindi pagkutya kundi indikasyon ng pag-aalala. Sa kaso ng midya, dapat na ginagawa ang pagpuna para umunlad ang kalidad ng pag-uulat.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes