Mga Larawan: Paggunita’t protesta sa ‘pananatili’ sa bansa ng multo ng batas militar

Nagmartsa ang aabot sa 1,000 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan patungong Mendiola Bridge para gunitain ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Ayon sa Bayan, patuloy pa ring buhay ang mga multo ng batas militar, tulad ng mga paglabag ng estado sa karapatang pantao. Nariyan pa rin ang pundamental na mga problema ng lipunang Pilipino, tulad ng kawalan ng tunay na repormang agraryo at malaalipin na kalagayan ng manggagawang Pilipino.

Lumahok din sa paggunita sa anibersaryo ng batas militar ang militanteng mga grupo ng mga magsasaka, na nagsabing bagamat wala na ang diktaduryang Marcos, ramdam pa rin batas militar sa mga kanayunan. (Macky Macaspac)

Iba't ibang isyu ng mga maralitang lungsod na laganap na noon pa mang panahon ng batas militar. Tanong nila, nasaan ang sinasabing pagbabago ng bagong rehimen? (KR Guda)

Kongkretong halimbawa ng kawalan ng pagbabago: Patuloy na pagsasamantala at panunupil sa mga manggagawang bukid at magsasaka ng Hacienda Luisita, ayon sa United Luisita Workers Union o ULWU. (KR Guda)

Saksi ang bagong mga henerasyon sa kawalan ng pagbabago at patuloy na paglaban para sa tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino, ayon sa mga militante. (KR Guda)