Obrero, komyuter nagkaisa vs pagtaas ng singil sa MRT, LRT

Kusang-loob na pumipirma ang mga komyuter ng MRT laban sa panukalang pagtaas ng pamasahe ng mga tren. (Macky Macaspac)
Malaking tulong ang pagsakay sa tren ng Metro Rail Transit (MRT) para kay Renante Generoso, 27-taong gulang na project specialist sa isang kompanya sa Makati, para sa kanyang sumasahod lamang ng P10,000 kada buwan.
Mula sa kanyang tahanan sa Antipolo, maluwalhati siyang nakakarating sa kanyang pinaglilingkurang opisina. Ngunit sa napipintong pagtataas ng pamasahe ng tren, ang libu-libong manggagawang tulad ni Renante ang babalikat sa panibagong pasaning ito.
Bunsod dito, nagprotesta at naglunsad ng signature drive bilang petisyon ang Kilusang Mayo Uno at Anakpawis Party-list sa estasyon ng MRT sa Cubao, Quezon City.
Binatikos nila ang panukala ng kasalukuyang administrasyong Aquino na itaas ang pamasahe mula sa minimum na P15 tungong P25 ng tren ng Light Rail Transit at MRT (LRT/MRT).
Sa protestang naganap, inilunsad din ng KMU ang Riles, o Riles Laan sa Sambayanan Network, na binubuo ng ng mga manggagawa at maralita na siyang pangunahin at kalakhang tumatangkilik sa serbisyo ng tren.
Ayon kay Sammy Malunes,tagapagsalita ng RILES Network, ang pagtataas ng pamasahe sa MRT ay upang maipakita sa pribadong mga korporasyon na makikinabang sila kung mamumuhunan sa serbisyo ng tren sa Metro Manila.
“Ang MRT, LRT, at ang buong sistema ng tren sa kabuuan ay serbisyo publiko at dapat na manatiling ganito, lalo na sa panahong ito na nabibigatan ang publiko sa pagtaas ng mga presyo at kaawa-awang sahod,” paliwanag ni Malunes.
Idinagdag pa ni Malunes na malinaw na para lamang sa tubo ang pagsasapribado sa MRT, at hindi para sa pampublikong-serbisyo na siyang pangunahing batayan nito ng kanyangn operasyon.
Sang-ayon naman ang karamihan sa mga mananakay ng MRT sa panawagan ng Riles na hindi dapat itaas ang pasahe dito.
“Ang dapat gawin ng gobyerno ay ibaba ang pamasahe ng tren, kasi di naman tumataas ang sahod, pahirap sa amin ang pagtaas ng pamasahe,” sabi ni Renante, habang pumipirma siya sa petisyon ng Riles.
Ganito din ang hinaing ng isang supervisor sa isang kompanya sa Makati na si Cynthia Abesamis,30 taong gulang. “Mapipilitan kaming sumakay sa bus, kahit naman mayroon kaming trabaho, ang daming taxes na aming binabayaran. Malaking kabawasan na din sa amin kung itataas ang pamasahe sa MRT,” hinaing ni Cynthia.
“Kung ang pamasahe sa tren ay tataas ng hanggang sa P25, tulad sa nais ng pamahalaang Aquino, magbabayad ang isang manggagawa na kumikita ng minimum, at sumasakay araw-araw nang hindi bababa sa P50 para sa transportasyon,” paliwanag ni Malunes, dating manggagawa at nagsilbing presidente ng unyong Pinag-isang lakas ng Manggagawa sa Metro-LRT(Piglas-LRT), sa ilalim ng KMU noong 1995-2000.
Kung gagatos siya sa simpleng pananghalian sa halagang P50, pagpapatuloy ni Malunes, magkakagastos siya ng P100 para isang araw na pagpasok sa trabaho.
“Nangangahulugang 1/4 ito ng kanyang P404 na minimum na sahod. Paano pagkakasyahin ng mga manggagawa ang kanilang sahod para sa gastusin ngkanilang pamilya tulad ng pagkain, kuryente, tubig, pangmatrikula ng kanilang mga anak at iba pang gastusin?” ani Malunes.
Idinagdag pa ng Riles na sa halip na kunin sa manggagawa ang pinaghirapan nilang kita, dapat umanong baliktarin ng gobyerno ang kalakaran: Dapat itong magbigay ng higit pang serbisyong panlipunan, at dapat na isama ang pangmasang transportasyon sa pamamagitan ng LRT at MRT.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9195














dapat hindi na magtaasa marami g mga mamamayan ang naghihirap ngayon..hindi lahat ng tao ay pantay pantay ang sinasahod sa pagttrabaho…kailangan bang idamay ang juan dela cruz sa mga ganyan gawain..??oo nga at tayo ay nakikinabang sa mrt at lrt ngunit ang punto ay hindi lahat pantay pantay ng sahod ..at imbis na ipambili ng pagkain ay iisipin pa ang pamasahe sa tren..
dapat talaga huwag nang itaas ang pamasahe.. dhil kawawa talaga c juan dela cruz kakarampot na nga lang snasahod.. ayan pat. dadag dag pa ung pasahe.. dapat kung itataas man ang pamasahe taasan din ang sahod,
tamah..!! maawa nman sana sila sa mga mamamayan na halos mangutang na nga lng ng pamasahe minsan dahil hindi sapat sa pang araw araw ang knikita nla. tapos magtataas pa ng pmashe,, over naman!!! maawa naman kayo sa mga taong hindi na sapat ang kinikita dahil na din sa taas ng mga blihin,, tpos ngayon my blak png mgtaas ng pmasahe ,,,
” tama kau mga sis .^
nadali nio anq saqot ..