Pinoy Weekly

Ika-isandaang araw ni P-Noy, sinalubong ng protesta

Martsa ng mga militante sa Recto Avenue sa Maynila, mula Espana Avenue patungong Mendiola. (King Catoy)

Martsa ng mga militante sa Recto Avenue sa Maynila, mula Espana Avenue patungong Mendiola. (King Catoy)

“100 araw: Nasaan ang pagbabago?”

Ito ang malaking karatulang dala ng mga militante sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na nagmartsa mula Espana Avenue patungong Mendiola para ihayag ang kanilang paghusga sa unang 100 araw ni Pang. Benigno Aquino III sa puwesto. Bitbit din ng mga militante ang mga karatulang tumutukoy sa batayang mga isyung panlipunan na hindi natugunan ni Aquino.

Barbed wire pa rin ang ipinantapat ng mga pulis sa martsa ng Bagong Alyansang Makabayan. (King Catoy)

Barbed wire pa rin ang ipinantapat ng mga pulis sa martsa ng Bagong Alyansang Makabayan. (King Catoy)

“Sinabi ni G. Aquino na handa nang mag-takeoff ang Pilipinas, pero narinig na natin ito sa halos lahat ng nakaraang mga presidente. Isandaang araw na at wala pa tayong makitang nagawa o resulta na bahagi ng tunay na pagbabago. Marami ang retorika pero kakaunti ang mga nagawa na mararamdaman ng mahihirap,” sabi ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Sa programa ng Bayan sa Mendiola, inisa-isa ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng lipunan ang mga problema ng mga mamamayan na hindi natugunan ng bagong administrasyon.

Sa mga magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, pangunahing problema ang pagmomonopolyo ng iilang panginoong maylupa sa mayorya ng lupaing agrikultural at kawalan ng tunay na repormang agraryo. Sa mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno, laganap pa rin ang kawalan ng empleyo at makabuluhang sahod, na maiuugat sa kawalan ng batayang mga industriya sa bansa.

Muling ipinagkanulo tayo ng pangulong ito sa gobyernong Kano, ayon kay Rita Baua ng Bayan. (KR Guda)

Muling ipinagkanulo tayo ng pangulong ito sa gobyernong Kano, ayon kay Rita Baua ng Bayan. (KR Guda)

Sa mga kawani sa gobyerno, suliranin ang nakaambang pagsasapribado ng maraming ahensiya ng pamahalaan, na itinutulak mismo ng bagong pangulo. Sa mga maralitang tagalungsod, patuloy pa rin ang demolisyon sa kanilang mga komunidad kahit na walang makataong pabahay at kabuhayan.

Tahimik pa rin si Pangulong Aquino sa isyu ng mababang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor at kawani ng goberyno. (King Catoy)

Tahimik pa rin si Pangulong Aquino sa isyu ng mababang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor at kawani ng goberyno. (King Catoy)

Nabanggit din ng mga tagapagsalita ang pagpapatuloy ng administrasyong Aquino sa neoliberal na mga polisiya sa ekonomiya, na naglalayong lalong maging depende ang bansa sa pag-eeksport ng hilaw na materyales, pangungutang, at pag-eksport sa lakas-paggawa. Batay sa policy pronouncements ng bagong pangulo, masasabing lalong ibinubukas diumano ng administrasyong Aquino ang bansa sa dayuhang pangangangamkam at pandarambong sa halip na atupagin ang pagpapaunlad ng lokal na batayang mga industriya ng Pilipinas.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=10020

Posted by on Oct 8 2010. Filed under Istorya ng Linggo, Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Ika-isandaang araw ni P-Noy, sinalubong ng protesta”

  1. berting

    tanga jud na si noynoy ga opaw lang ang agi

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes