Pinoy Weekly
Archive for: November, 2010

Popularisasyon ng reporma sa lupa sa pelikula

Ngayong nasa internet na Ang Pagbawi sa Luisita, inaanyayahan ng Mayday Multimedia at PinoyMedia Center ang lahat na panoorin at higit pang palaganapin ito

Araw ni Bonifacio, mamarkahan ng pagkilos para sa dagdag-sahod

Sa ika-147 na kaarawan ng bayani at lider-manggagawang si Andres Bonifacio, maglulunsad ng  kilos-protesta ang mga manggagagawa ng pribado at pampublikong sektor para itulak sa gobyernong Aquino ang “makabuluhang” dagdag-sahod. Sa isang press conference kahapon, iginiit ng Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM) na sa ika-limang buwan sa puwesto ni Pang. Benigno Aquino III, [...]

Huwag kang magprotesta sa Disyembre 1

Magkakaroon daw ng malawakang pagkilos ang mga estudyante’t guro ng maraming state universities and colleges (SUCs) para tutulan ang pagtapyas sa kanilang badyet. Tutuloy daw sila sa Senado para igiit ang mas mataas na alokasyon. Makakaasa ka ng panibagong ingay na likha ng libo-libong taong galit dahil sila raw ay ginigipit.

Paglisan ng 30,000 tropang Kano sa South Korea, hiniling

Inihayag ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) ang kahilingan nito para sa paglisan ng mahigit 30,000 tropang Amerikano sa South Korea para mabigyang-daan ang “mapayapang muling pagsasanib ng Korea” at para “hayaan ang mga Koreano na matamasa ang karapatan nila sa sariling pagpapasya.” Kinondena ng ILPS ang kasalukuyan umanong panggugulo ng US at ng [...]

Reporter, minaltrato ng PSG sa bisita ni PNoy sa Baguio

Minaltrato ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ni Pang. Benigno Aquino III ang isang reporter sa pagpapasinaya ng pangulo sa outlet ng Jollibee sa Baguio City noong Biyernes na sinalubong ng demonstrasyon ng mga kabataang estudyante. Ayon sa ulat ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Baguio Benguet Chapter, matapos ang [...]

Mandatory insurance ng OFW, pag-uusapan

Makikipagpulong si Sek. Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (DoLE) kay bise-presidente at presidential adviser on OFW concerns na si Jejomar Binay para pag-usapan ang posibleng pagresolba ng isyu hinggil sa mandatory insurance para sa mga overseas Filipino worker (OFW). Sa nasabing pulong na gaganapin sa darating na linggo, inaasahan na ihahayag ni [...]

Welga ng kabataan para sa kinabukasan

Inilunsad ngayong linggo ang welga ng kabataang estudyante, pati guro, kawani sa pamantasan, at maging mga miyembro ng administrasyon. Ang layunin: Para tutulan ang pagkaltas sa pondo ng pambansang gobyerno na inilalaan para sa pampublikong mga pamantasan at kolehiyo.

Usapin sa pagreretiro

Ang pagreretiro ay isa sa mga bagay na inaasahan ng isang manggagawa kaugnay ng kanyang trabaho. Ngunit may mga pagkakataon na gusto pang magtrabaho ng manggagawa ngunit pinapagretiro na siya ng kompanya. Sa pagkakataong ito, sino ang dapat na masunod: ang manggagawa o ang kompanya?

I Can’t Strike This Feeling Any Longer

Usap-usapan ngayon sa alternatibong midya ang pagpoprotesta ng mga estudyante ng mga State Colleges and Universities (SCUs), tampok ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, sa itinutulak ng rehimeng Aquino na pagkaltas sa badyet ng mga paaralang ito. Lumalabas na isang porma ng protesta ang tinatawag ng mga kalahok na “strike” o welga. Mas mataas ang antas ng militansya nito kumpara sa mga nakaraang porma ng protesta tulad ng walkout sa klase, boykoteo, at paglulunsad ng rali. May konotasyon ito ng aktibong paghadlang sa normal na operasyon ng mga pamantasan para magprotesta.

Reyd ng militar, pulis sa opisina ng militanteng grupo sa Bikol, kinondena

Kinondena ng iba’t ibang grupo ang reyd sa tanggapan ng militanteng mga grupo at pag-aresto sa apat lider nito sa Camarines Norte noong Nobyembre 22. Ayon sa  Karapatan-Bikol ang reyd umano sa opisinang pinaghahatian ng Karapatan, Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) at Kilusang Magbubukid ng Pilpinas (KMP-Camarines Sur) ay “mistulang martial law.” Pinabulaanan din ng [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes