Larawan: Pagdating ng USS Carl Vinson, barkong pandigma ng US, ipinrotesta

Pinangunahan ng mga Bagong Alyansang Makabayan sa National Capital Region o Bayan-NCR at International League of Peoples’ Struggle o ILPS ang isang kilos-protesta sa Kalaw Avenue malapit sa embahada ng US sa Maynila. Ito ay upang ipahayag ang pagtutol sa pagdaong sa karagatan ng Pilipinas ng US aircraft carrier na USS Carl Vinson. Ito ang tinaguriang “death ship” ni Osama bin Laden. (Alvin Joseph Tenedero)

Pinangunahan ng mga Bagong Alyansang Makabayan sa National Capital Region o Bayan-NCR at International League of Peoples' Struggle o ILPS ang isang kilos-protesta sa Kalaw Avenue malapit sa embahada ng US sa Maynila. Ito ay upang ipahayag ang pagtutol sa pagdaong sa karagatan ng Pilipinas ng US aircraft carrier na USS Carl Vinson. Ito ang tinaguriang "Death Ship" ni Osama bin Laden. (Alvin Joseph Tenedero)
Pinangunahan ng mga Bagong Alyansang Makabayan sa National Capital Region o Bayan-NCR at International League of Peoples' Struggle o ILPS ang isang kilos-protesta sa Kalaw Avenue malapit sa embahada ng US sa Maynila. Ito ay upang ipahayag ang pagtutol sa pagdaong sa karagatan ng Pilipinas ng US aircraft carrier na USS Carl Vinson. Ito ang tinaguriang "death ship" ni Osama bin Laden. (Alvin Joseph Tenedero)
Binigyang ng "thumbs down" (simbolo ng di pagsang-ayon) ng mga aktibista ang presensiya ng US sa karagatan at lupain ng bansa. Binigyang-diin ng ILPS na walang mabuting maidudulot ang presensiya at panghihimasok ng militar ng US sa ibang mga bansa sa mundo, kabilang ang Pilipinas. (Alvin Joseph Tenedero)

Sinunog ng mga nagprotesta ang watawat ng US bilang simbolo sa pagkondena nila sa tinaguriang imperyalismong US na anila'y malaking salot sa mga mamamayan ng daigdig. (Alvin Joseph Tenedero)
Sinunog ng mga nagprotesta ang watawat ng US bilang simbolo sa pagkondena nila sa tinaguriang imperyalismong US na anila'y malaking salot sa mga mamamayan ng daigdig. (Alvin Joseph Tenedero)
Ikinakatawan umano ng USS Carl Vinson ang walang patumanggang panghihimasok ng mga tropang Kano sa mga bansang may sariling soberanya. Pinakatampok ngayon ang biglaang pagpasok ng US sa Pakistan para patayin ang lider-teroristang si Osama bin Laden. (Alvin Joseph Tenedero)