Pinoy Weekly

Amnestiya para sa bilanggong pulitikal, hiniling

Piket ng Karapatan at iba pang grupong pangkarapatang pantao sa harap ng tanggapan ng Department of Justice sa Padre Faura, Manila. (KR Guda)

Piket ng Karapatan at iba pang grupong pangkarapatang pantao sa harap ng tanggapan ng Department of Justice sa Padre Faura, Manila. (KR Guda)

Hiniling ng mga grupong pangkarapatang pantao ang “general, unconditional and omnibus” na amnestiya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal sa bansa.

Sa piket sa Department of Justice, hinamon ng Karapatan at Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda) ang departamento at maging si Pang. Benigno Aquino III na pabulaanan ang pagtingin nilang kontra sa karapatang pantao ang kanyang administrasyon.

“Kung nakikinig lamang ang Pangulo sa reaksiyon ng mga mamamayan sa ibaba, malalaman niyang nadidismaya na ang mga ‘boss’ niya dahil wala pa rin siyang signipikanteng desisyon sa unang taon ng panunungkulan niya. Nawa’y maging una niyang desisyon ay ang palayain ang mga bilanggong pulitikal,” sabi ni Marie Hilao-Enriquez, tagapangulo ng Karapatan.

Binigyang-diin ni Hilao-Enriquez na umabot lamang sa isang buwan matapos makaupo sa puwesto si Corazon Aquino nang palayain niya ang mga bilanggong pulitikal.

Rita Baua ng Bagong Alyansang Makabayan at International League of Peoples' Struggle, nakiisa sa panawagang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal. (KR Guda)

Rita Baua ng Bagong Alyansang Makabayan at International League of Peoples' Struggle, nakiisa sa panawagang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal. (KR Guda)

Ironic na ipinagmamalaki ni Pangulong Aquino ang legasiya ng mga magulang niya…habang patuloy na dumarami ang bilang ng mga bilanggong pulitikal sa kanyang gobyerno, sa ilalim ng ‘matuwid na daan’,” sabi pa ni Hilao-Enriquez.

Ipinaliwanag ni Hilao-Enriquez na biktima ng pampulitikang panunupil ang mga bilanggong pulitikal. Karamihan sa kanila’y ilegal na inaresto at ikinulong nang walang mandamyento, o kaya’y sapamamagitan ng mga “gawa-gawang” akusasyon.

Sinabi naman ni Cristina Palabay, convenor ng Tanggol Bayi na grupo ng kababaihang tagapagtanggol ng karapatang pantao, na karamihan sa mga bilanggong pulitikal ay tagapagtanggol din ng karapatang pantao. “Kinasuhan sila ng common crimes para itago ang paglabag sa karapatan nila — ang persekusyon at panunupil sa mga aksiyong pampulitika nila,” sabi pa ni Palabay.

Nakipagdiyalogo ang mga pari at clergy ng Iglesia Filipina Independiente sa Department of Justice kaugnay ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. (KR Guda)

Nakipagdiyalogo ang mga pari at clergy ng Iglesia Filipina Independiente sa Department of Justice kaugnay ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. (KR Guda)

Aabot na sa 335 ang mga bilanggong pulitikal sa bansa, sa huling bilang noong Pebrero 2011. Marami sa kanila ay inaresto noon pang nakaraang administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakiisa rin ang mga taong-simbahan mula sa Iglesia Filipina Independiente, kabilang ang mga miyembro ng Task Force Bayles, na nakipagdiyalogo sa departamento hinggil sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=13965

Kenneth Roland A. Guda Posted by on Jun 15 2011. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes
More in Balita (669 of 1219 articles)