Pinoy Weekly

Institusyon para sa Mental Health, nanganganib madisloka

Piket ng mga kawani ng mga ahensiyang pangkalusugan sa loob ng Welfareville sa Mandaluyong. Nananawagan sila kay Pangulong Aquino na gawing sapat ang badyet sa serbisyong pangkalusugan at itigil ang pagsasapribado ng mga ahensiya ng gobyerno at serbisyo. (Gregorio Dantes Jr.)

Nanganganib na madiskloka ang 4,800 charity patients at 1,500 pay patients ng National Center for Mental Health at Correctional Institute for Women, gayundin ang trabaho ng mga manggagawang pangkalusugan sa naturang mga institusyon na nasa loob ng Welfareville sa Mandaluyong City.

Dahil ito sa planong negosyong medium-rise buildings (MRBs) at socialized housing na itatayo sa lugar na kinatatayuan ng naturang mga institusyong pangkalusugan, ayon sa National Center for Mental Health Employees Association – Alliance of Health Workers (NCMHEA-AHW).

Target umanong alisin sa lugar ang mga ahensiya bago ang bidding para sa pagpapatayo sa naturang mga bilding sa Hulyo 2012.

Libu-libong masyente at manggagawang pangkalusugan ang maaaring madisloka dahil sa proyekto ng gobyerno sa Welfareville. (Gregorio Dantes Jr.)

Libu-libong masyente at manggagawang pangkalusugan ang maaaring madisloka dahil sa proyekto ng gobyerno sa Welfareville. (Gregorio Dantes Jr.)

Nagprotesta ang mga kawani ng naturang mga ahensiya kaalinsabay ng pulong ng tinaguriang Welfareville Project, kasabay ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Department of Justice, Department of Finance at ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong.

Sinusuportahan ng World Bank ang naturang proyekto sa pamamagitan ng pagbigay ng ayudang teknikal. Ayon sa mga kawani, bahagi ang naturang proyekto ng programang Public-Private Partnerships ng administrasyong Aquino.

Nagkaisa sa isyu ang mga kawani ng National Center for Mental Health at Correctional Institute for Women, gayundin ang trabaho ng mga manggagawang pangkalusugan sa naturang mga institusyon na nasa loob ng Welfareville. (Gregorio Dantes Jr.)

Ililipat ang Mental Hospital sa 10 ektaryang lupain na hindi pa developed na lupain sa Brgy. Inaraon, dulo na ng Antipolo City. Ngayon hanggang Agosto, ginagawa ang sarbey sa Mental Hospital at Welfareville bilang paghahanda sa bentahan.

“Huwag nating hayaang alisin ang ating kabuhayaan, kabuhayan at serbisyong pangkalusugan para sa may sakit sa pag-iisip,” ani Romy Valenzuela, presidente ng NACEMHEA-AHW.

Nanawagan din ang asosasyon sa administrasyong Aquino na maglaan ng sapat na badyet para sa serbisyong pangkalusugan, kaalinsabay ng State of the Nation Address ng Pangulo sa Lunes, Hulyo 25.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=14433

Posted by on Jul 24 2011. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes