Video: Estudyante, nag-walkout kontra sa budget cuts sa edukasyon


Bidyo ng walkout ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo at pamantasan sa Kamaynilaan para igiit ang sapat na badyet para sa edukasyon. Anila, patikim lamang ito sa magiging protesta ng kabataan at estudyante sa araw ng State of the Nation Address ni PNoy.

Martsa ng kabataan mula Espana Avenue patungong Mendiola. (Darius Galang)

Nag-walkout ang mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at pamantasan sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa noong Hulyo 19 para igiit kay Pang. Benigno Aquino III na maglaan ng sapat na badyet para sa edukasyon at serbisyong panlipunan sa kanyang pambansang badyet. Naganap ang mga protesta bago ang State of the Nation Address o SONA ni Aquino sa Hulyo 25 na siya ring magbubukas sa sesyon ng Kongreso. Nakiisa maging ang mga guro, istap ng mga eskuwelahan at mga administrador sa protesta ng mga estudyante at sa kampanya para sa sapat na badyet para sa edukasyon sa susunod na taon.

Karagdagang bidyo ni Darius Galang