‘Kalupitan ng batas militar ni Marcos, nagpapatuloy kay PNoy’

Patuloy na nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang administrasyong Aquino sa malalang lagay ng karapatang pantao sa bansa, ayon sa grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, sa okasyon ng ika-39 anibersaryo ng batas militar ng diktadurang Marcos.

Martsa ng mga militante mula Morayta patungong Mendiola para gunitain ang batas militar ni Marcos at kondenahin ang pagpapatuloy umano ng panunupil sa kasalukuyang administrasyon. (KR Guda)

Nagpapatuloy sa ilalim ng administrasyong Aquino ang mapanupil na mga polisiya ng batas militar, ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao. (Macky Macaspac)
Nagpapatuloy sa ilalim ng administrasyong Aquino ang mapanupil na mga polisiya ng batas militar, ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao. (Macky Macaspac)

Ayon sa Karapatan, nakakalungkot ang mistulang “pagtalikod” ni Aquino sa mga biktima ng karapatang pantao, kabilang ang 360 bilanggong pulitikal na tulad ng kanyang amang si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ay ipiniit dahil sa kanilang mga pampulitikang paninindigan.

“Habang naaalala niya ang paghihirap ng pamilya niya (noong panahon ng batas militar), lantarang kinalilimutan niya ang paghihirap ng iba pang pamilya na may mga anak, asawa at magulang na nakakulong, hindi ng diktador, kundi ng gobyerno niya; hindi 39 taon ang nakaraan, ngunit ngayon,” pahayag ng Karapatan.

Sinabi pa ng Karapatan na hindi naiiba ang sitwasyon ni Ninoy Aquino sa sitwasyon ng mga bilanggong pulitikal ngayon.”Itong anak ng dating bilanggong pulitikal pa ang nagbibingi-bingihan sa panawagan sa paglaya sa mga bilanggong pulitikal, laluna iyung mga matatanda, may sakit, kababaihan, mga detinidong protektado ng Jasig (Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees, kasunduan sa proteksiyon ng mga negosyador pangkapayapaan) at iyung mga ilegal na inaresto dahil lamang nakatira sila sa mga lugar kung saan kumikilos ang rebolusyonaryong mga grupo o iyung mga ilegal na inaresto dahil sa sinasabing war against terror,” sabi pa ng Karapatan.

Sinabi pa ng Karapatan na sinasabi ni Aquino na kabaliktaran siya ng kinamuhiang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo. “Pero iyung mga detinido noong nakaraang mga rehimen ay nakakulong pa rin. Malaya pa rin si GMA at mga kakutsaba niya. Gaano man niya katinding sisihin si GMA (sa sitwasyon ng bansa), responsabilidad na niya ito ngayon,” sabi pa ng grupo.

Sabi ng mga grupong pangkarapatang pantao, hinding hindi dapat hahayaang maganap muli ang batas militar sa bansa. (Macky Macaspac)
Sabi ng mga grupong pangkarapatang pantao, hinding hindi dapat hahayaang maganap muli ang batas militar sa bansa. (Macky Macaspac)

Nagrali ang daan-daang mga aktibista, sa pangunguna ng Karapatan, Hustisya, Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda), Desaparecidos, at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), sa Mendiola, Manila noong Setyembre 21, araw ng anibersaryo ng batas militar ni Marcos.

Siningil ng mga aktibista ang administrasyong Aquino sa pagpapatuloy ng mga polisiya at aktibidad na laganap noon pa mang panahon ng malupit na batas militar. Kabilang dito ang madugong giyera kontra insurhensiya na ngayo’y Oplan Bayanihan, gayundin ang pagpapatuloy ng paglabag ng mga ahente ng gobyerno at militar sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan.

Para sa iba pang larawan ng protesta sa Mendiola noong Setyembre 21, 2011, iklik ang Next page