Amyenda sa VAWC Law, inihain na alternatibo sa Cybercrime Law

January 15, 2013

Mga demonstrador laban sa Cybercrime Law, sa simula ng pagdinig ng oral arguments sa Korte Suprema (Ilang-Ilang Quijano)

Mga demonstrador laban sa Cybercrime Law, sa simula ng pagdinig ng oral arguments sa Korte Suprema (Ilang-Ilang Quijano)

Kasabay ng pagdinig ng Korte Suprema sa oral arguments laban sa Anti-Cybercrime Law, naghain ang dalawang babaing kongresista ng amyenda sa Anti-Violence Against Women and Children Act (RA 9262) para isama ang E-VAW o karahasan laban sa kababaihan gamit ang information communications technology (ICT).

Umano’y hindi ang Anti-Cybercrime Law ang magpoprotekta sa kababaihang biktima ng prostitusyon at iba pang porma ng karahasan sa internet.

Kontra pa nga sa kababaihan ang Cybercrime Law na ginagamit ang maling depinisyon ng prostitusyon sa Revised Penal Code. Tinatrato nito ang prostituted women bilang mga kriminal, at hindi bilang mga biktima ng kahirapan at iba pang inhustisyang panlipunan,” ani Gabriela Rep. Emmi de Jesus, na dumalo rin sa kilos-protesta ng mga mamamayan at netizens sa harap ng Korte Suprema kaninang umaga.

Sa House Bill 6815 ng Gabriela, ang E-VAW ay “any acts or omissions that involves the use or exploitation of ICT which causes or likely to cause mental, emotional or psychological distress or suffering to the victim.” Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Unauthorized recording, reproduction or distribution of video/s showing the victim’s private area or the victim’s naked or undergarment clad genitals, pubic area, buttocks or breasts;
  • Uploading or sharing without the consent of the victim, any media that contain pictures, voice or video with lewd, indecent or sexual content or context;
  • Harassing or threatening the victim;
  • Stalking; and
  • Using the victim’s picture, video, voice, name or any other aspect of the victim’s identity in any video game, phone application, program and the likes, which puts or tends to put the victim in a bad light.”

Iginiit ni de Jesus na hindi dapat ipatupad ang Anti-Cybercrime Law sa ngalan ng kababaihan. “Not in our name,” aniya.

Katulad ng iba pang mga indibidwal at grupong petisyuner laban sa Anti-Cybercrime Law, inudyok niya ang Korte Suprema na ibasura ang umano’y mapaniil na batas, na nakatakdang mag-expire ang Temporary Restraining Order sa Pebrero 6.

Sabi naman ni Gabriela Rep. Luz Ilagan, “Kung talagang sinsero si Pangulong Aquino na labanan ang karahasan sa kababaihan, gagawin niyang prayoridad ang pagpasa sa mga amyenda sa RA 9262, sa halip na ipagpatuloy ang pagpapatupad sa Cybercrime Law.”

Ipasa pagkabasa!
Share on Facebook24Tweet about this on Twitter1Share on TumblrEmail this to someoneShare on Google+0Print this page

Comments

comments