Kababaihan Videos

Video: Protesta sa ‘pagtraydor’ ni PNoy, dinahas sa bisperas ng Women’s Day


Sa bisperas ng Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, dinahas ng pulisya ang kababaihang pinoprotesta ang umano’y pagkakanulo ni Pangulong Aquino sa mga mamamayan nito, sa usapin ng Sabah at sa pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef. Mapayapa nang nagdidispers ang nagprotestang kababaihan nang damputin at arestuhin ng mga miyembro ng Manila Police District ang […]

Members of Manila Police shoved women protesters away from Malacanang's Gate 7 (Macky Macaspac)
Pagtutulak ng pulis sa kababaihang nagpoprotesta (Macky Macaspac)

Sa bisperas ng Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, dinahas ng pulisya ang kababaihang pinoprotesta ang umano’y pagkakanulo ni Pangulong Aquino sa mga mamamayan nito, sa usapin ng Sabah at sa pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef. Mapayapa nang nagdidispers ang nagprotestang kababaihan nang damputin at arestuhin ng mga miyembro ng Manila Police District ang dalawa sa kanila.

Sa panayam na ito ng Pinoy Weekly, tinawag ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela, si Aquino na “unfit” para maging isang pangulo.