Main Story Pambansang Isyu

Ikatlong impeachment complaint vs Aquino dahil sa EDCA, isinampa sa Kamara


Isinumite sa Kamara ang ikatlong impeachment complaint laban kayPangulong Aquino kaugnay sa pagpasok ng administrasyon sa kasunduang pangmilitar sa gobyerno ng Estados Unidos (US) na Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA). Pinaninindigan ng mga complainant na tahasang nilabag ni Aquino ang Saligang Batas sa pagpayag na muling magbase-militar ang armadong puwersa ng US sa buong Pilipinas. […]

Pinangunahan ng dating Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teddy Casino, gayundin si Atty. Evalyn Ursua at iba pang progresibong lider, ang pagsampa ng ikatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino--ngayon naman dahil sa paglagda niya ng Enhance Defense Cooperation Agreement. Inindorso ito sa Kamara nina Gabriela Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. <strong>Pher Pasion</strong>
Pinangunahan ng dating Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teddy Casino, gayundin si Atty. Evalyn Ursua at iba pang progresibong lider, ang pagsampa ng ikatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino–ngayon naman dahil sa paglagda niya ng Enhance Defense Cooperation Agreement. Inindorso ito sa Kamara nina Gabriela Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. Pher Pasion

Isinumite sa Kamara ang ikatlong impeachment complaint laban kayPangulong Aquino kaugnay sa pagpasok ng administrasyon sa kasunduang pangmilitar sa gobyerno ng Estados Unidos (US) na Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Pinaninindigan ng mga complainant na tahasang nilabag ni Aquino ang Saligang Batas sa pagpayag na muling magbase-militar ang armadong puwersa ng US sa buong Pilipinas.

Abril 28 nitong taon nang pirmahan ng mga kinatawan ng Pilipinas at US ang EDCA bago dumating sa bansa si US Pres. Barack Obama. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), mas masahol pa umano ang EDCA sa naunang PH-US Visiting Forces Agreement (VFA).

Inindorso ng mga kinatawan ng ACT Teachers’ Party-list at Gabriela Women’s Party ang nasabing impeachment complaint na binubuo ng 21 signatories na kanilang inihain sa secretary-general ng Kamara.

Nilagdaan ng mga miyembro ng Lila Filipina, isa sa petitioners, ang ikatlong impeachment laban kay Noynoy Aquino.<strong>Pher Pasion</strong>
Nilagdaan ng mga miyembro ng Lila Pilipina, isa sa petitioners, ang ikatlong reklamong impeachment laban kay Pangulong Aquino. Pher Pasion

Ayon kay Satur Ocampo, presidente ng Makabayan Coalition, culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust ang kasong kinakaharap ni Aquino sa pagpasok sa nasabing kasunduan.

“Malinaw sa provisions ng Saligang Batas na bawal ang foreign military bases, troops, and facilities (sa Pilipinas). Unless under a treaty to be reapproved by the Congress, provided by the Senate and possibly ratified by the people. Walang ganyang mga requirement sa EDCA,” ayon kay Ocampo.

Napakalawak at napakatindi umano ang implikasyon ng EDCA na tila ibinenta na ang soberanya ng bansa, dagdag ni Ocampo.

Naniniwala naman si Gabriela Rep. Emmi de Jesus na matibay na batayan ang EDCA para ma-impeach si Aquino.

“Itong EDCA, hindi yata precise ‘yung salitang sell-out. Ito (EDCA) talaga ay give away. Lampas-lampasan pa ito sa ibang agreements na nakasalang na,” ayon kay De Jesus.

Ayon naman kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, malinaw ang paglabag sa soberanya ng Pilipinas at sa mga probisyon ng Konstitusyon lalo na ‘yung pagbabawal sa anumang dayuhang base at tropang militar. Kitang-kita umano ito sa EDCA, sabi ni Tinio sa Pinoy Weekly.

Nanumpa sa opisina ng Secretary General ng Kamara ang 21 petitioners ng ikatlong impeachment laban kay Noynoy Aquino.<strong>Pher Pasion</strong>
Nanumpa sa opisina ng Secretary General ng Kamara ang 21 petitioners ng naturang impeachment complaint. Pher Pasion

Binukas ng administrasyong Aquino ang buong teritoryo ng Pilipinas sa mga militar at puwersa ng Amerikano. Isinuko rin nito ang pag-iral ng mga batas at kapangyarihan ng mga korte, dagdag ni Tinio.

“Pinapatuloy lang nito ang pagiging dependent ng Pilipinas sa presensiya ng militar ng US at pinagpapatuloy nito ang pagpapailalim ng foreign policy ng Pilipinas sa interes ng US,” ayon kay Tinio.

Parehong mabigat at parehong kailangang panagutin si Presidente Aquino sa kaso ng EDCA (at Disbursement Acceleration Program). Malinaw ang paglabag sa Konstitusyon at paglabag sa soberanya ang EDCA, ayon kay Tinio.