‘Bakas: Mga larawan ng Saya, Ligalig at Pag-asa’


Inilunsad ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pambata ang isang photo exhibition na naglalarawan ng iba’t ibang mukha ng mga batang biktima ng militarisasyon sa kanayunan. Nakatuon ang eksibisyon sa isyu ng pag-atake at okupasyon ng mga militar sa alternatibong mga eskuwelahan na itinayo ng porgresibong mga grupo lalo na sa rehiyon ng Mindanao. Bakas sa […]

Macky Macaspac
Macky Macaspac

Inilunsad ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pambata ang isang photo exhibition na naglalarawan ng iba’t ibang mukha ng mga batang biktima ng militarisasyon sa kanayunan. Nakatuon ang eksibisyon sa isyu ng pag-atake at okupasyon ng mga militar sa alternatibong mga eskuwelahan na itinayo ng porgresibong mga grupo lalo na sa rehiyon ng Mindanao.

Bakas sa mga imahe ang lungkot, siphayo at pagkaligalig ng mga batang biktima ng militarisasyon, sabi ni Kharlo Manano, pangkalahatang kalihim ng Salinalahi Alliance for Children’s Concerns. Nakaka-alarma umano ang bilang ng mga kaso ng paggamit sa alternatibong mga eskuwelahan bilang baraks o kampo ng mga militar para sa kontra-insurhensiyang programa ng administrasyong Aquino.

“Tulad ng ipinapakita sa mga imahe, ang presensiya ng mga militar sa mga komunidad ng mga magsasaka at katutubo lalo na sa mga eskuwelahan ay nagdadala ng takot sa mga taumbayan, kasama na ang mga bata,” sabi ni Manano.

Ilan sa mga imahe ang nagpapakita ng epekto ng ebakwasyon sa tuwing may operasyong militar, mga batang tila nagtatanong kung anong bukas ang kanilang haharapin, mga mukhang bakas ang ligalig at imaheng nagpapakita ng pag-asa sa kolektibong pagkilos.

Kasalukuyang nasa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang eksibisyon at tatagal hanggang Agosto 15 bago ilipat sa ibang pamantasan at unibersidad.

 

Isang lider katutubo ang kasamang nagpasinaya sa photo exhibition ng Save our Schools Network Macky Macaspac
Isang lider katutubo ang kasamang nagpasinaya sa photo exhibition ng Save our Schools Network. Macky Macaspac
Macky Macaspac
Macky Macaspac
Macky Macaspac
Macky Macaspac